Tagalog Christian Music|"Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan"


Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: https://m.me/GodIsGoodAllTheTime2022?ref=website--YTB--JJ-

Tagalog Christian Music|"Mga Prinsipyo sa Paghahanap ng Tunay na Daan"
I
Ano'ng mga prinsipyo sa paghahanap ng tunay na daan?
Tingnan kung sino'ng pinatotohanan, kung ano'ng dulot nito sa 'yo.
Katotohanan ba'y ipinahayag? Gawain ng Espiritu ba'y naroon?
'Pagkat pananalig sa Diyos ay pananalig sa Kanyang Espiritu.

Show More

Pananalig sa nagkatawang-taong Diyos ay pananalig sa katunayan
na Siya ang sagisag ng Espiritu ng Diyos.
Siya'y mula sa Espiritu, Siya'ng Salitang nagkatawang tao,
kaya ito'y pananalig pa rin sa diwa ng Diyos.

II
Dapat mo'ng tingnan kung sa daang ito'y may katotohanan,
katotohanang normal na disposisyon ng tao:
Katuturan, karununga't pananaw, kilos ng tao.
Ito'ng hinihingi ng Diyos sa paglikha ng tao.

Ang daan ba'y tungo sa normal na buhay?
Katotohanan ba nito'y nagdadala sa 'yo na mamuhay nang may normal na pagkatao?
Praktikal ba ito at napapanahon?

Kung may katotohanan, dadalhin nito ang tao sa tunay na karanasan,
katuturan ng pagkatao ng tao'y mas magiging kumpleto,
buhay nila sa laman at espiritu'y mas may kaayusan,
mga emosyon ay mas magiging normal.

III
Isa pang paraan upang sabihin ang tunay na daan ay:
kung ang kaalaman ng tao ukol sa Diyos ba'y lumalago.

Kung ganitong gawai't katotohana'y pumupukaw sa tao na mahalin ang Diyos,
nilalapit sila sa Kanya,
tinutustusan ang buhay ng tao, may realidad;
kung gayon, malalaman mong ito'ng tunay na daan,
ito'ng tunay na daan, ito'ng tunay na daan.
mula sa Sundan ang Cordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin

Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press