Tagalog Christian Music Video | "Kapag Kumidlat mula sa Silangan"


Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: https://shurl.me/TLMessenger

Tagalog Christian Music Video | "Kapag Kumidlat mula sa Silangan"

Show More

I
Kapag nagbibigay-pansin lahat ng tao,
kapag lahat ng bagay ay nababago't nabubuhay muli,
kapag tao'y sumusunod sa Diyos ng walang pagdududa,
handang isabalikat ang pasanin ng Diyos,
dito lumalabas ang kidlat sa Silangan,
lahat iniilawan, Silangan patungong Kanluran,
sinisindak ang buong mundo sa liwanag nito.
Sa panahong 'to, sinisimulan ng Diyos ang bago Niyang buhay.

Ngayon sinisimulan ng Diyos ang bago Niyang gawain sa mundo,
inihahayag sa lahat ng tao sa sansinukob:

Kapag lumalabas ang kidlat mula sa Silangan,
siya ring nagsisimulang magsalita ang Diyos.
Sa sandaling lumalabas ang kidlat,
nagliliwanag ang kalangitan, lahat ng bitui'y nagbabago,
lahat ng bitui'y nagbabago.

II
Mula noong napatotohanan ang Diyos hanggang sa nagsimula Siyang gumawa
hanggang sa ang pagka-Diyos ang naghahari sa buong mundo,
ito ang sinag ng kidlat sa Silangan,
na nagniningning sa buong sansinukob.
'Pag mga kaharian sa lupa'y nagiging kay Cristo,
siya ring pag-ilaw ng sansinukob.
Ngayon ang oras ng pagkinang ng kidlat sa Silangan:
Diyos sa katawang-tao'y gumagawa't sa pagka-Diyos ay nagsasalita.

Kapag nagsisimula nang magsalita ang Diyos sa daigdig,
siya ring lumalabas ang kidlat sa Silangan.

Kapag ang tubig na buhay ay umaagos mula sa trono,
kapag ang tinig mula sa trono'y nagsisimula na,
ay siya ring nagsisimulang magsalita ang pitong Espiritu.

III
Ngayon ang kidlat ng silangana'y kumikinang na;
dahil sa pagkakaiba ng panahon,
nag-iiba-iba ang antas ng pagliliwanag,
nililimitahan ang saklaw ng kaningningan nito.
Ngunit habang ang Kanyang plano't gawai'y nagbabago—
habang nag-iiba-iba'ng Kanyang plano't gawain sa mga anak at tao Niya—
ginagawa ng liwanag ang likas nitong tungkulin,
kumikinang ang sansinukob

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press