Tagalog Christian Music Video | "Yaong mga Ililigtas ng Diyos ay Nangunguna sa Puso Niya"
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: shurl.me/TLMessenger
Tagalog Christian Music Video | "Yaong mga Ililigtas ng Diyos ay Nangunguna sa Puso Niya"
Ga'no kahalaga ang pagliligtas ng Diyos,
higit na mahalaga kaysa sa anumang bagay.
Ginagawa Niya'ng lahat para sa tao
nang may plano't kalooban, 'di lang sa mga kaisipan at salita.
O, ang pagliligtas ng Diyos ay mahalaga,
kapwa sa tao't sa Kanya.
Ga'no kaabala ang Diyos, ang pagsisikap na ginugugol Niya.
Namamahala Siya sa gawain Niya, sa lahat ng bagay at tao.
'Di pa 'to naisagawa noon, nagbayad Siya ng malaking halaga.
Sa gawain Niya, unti-unting inihahayag ng Diyos sa tao
kung ano Siya't ano'ng mayro'n Siya, ang halagang binayaran na Niya,
karunungan, kapangyariha't disposisyon Niya.
Ga'no man kahirap ang gawain, anuman ang mga hadlang,
ga'no man kahina't kasuwail ang tao,
walang makakapigil sa Diyos, walang mahirap,
walang mahirap para sa Kanya.
Ga'no kalapit ang Diyos, ga'no katalik
para sa yaong pinipili Niyang pamahalaan at iligtas.
Sa sansinukob na ito, sino pa ang nagkaro'n ng
gayon katalik na relasyon sa Diyos?
Sa puso Niya, sila ang pinakamahalaga't
pinahahalagahan Niya higit sa lahat.
Pa'no nila sinasaktan at sinusuway ang Diyos.
Kahit nagbayad na Siya ng malaki para sa kanila,
walang pagod na gumagawa'ng Diyos, walang reklamo o pagsisisi,
batid na balang araw tao'y maaantig ng mga salita Niya.
Sila'y magigising sa tawag Niya,
makikilalang Siya ang Panginoon ng lahat, magbabalik sa piling Niya.
Ga'no man kahirap ang gawain, anuman ang mga hadlang,
ga'no man kahina't kasuwail ang tao,
walang makakapigil sa Diyos, walang mahirap,
walang mahirap para sa Kanya.
Wow, wow, wow, wow. Wow, wow, wow, wow.
mula sa Sundan ang Kordero at Kumanta ng mga Bagong Awitin
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.