Tagalog Christian Song | "Ang Epekto ng Tunay na Panalangin"
Tagalog Christian Song | "Ang Epekto ng Tunay na Panalangin"
I
Ang pinakamababang pamantayan na hinihingi ng Diyos sa tao ay na magawa ng tao na buksan ang kanyang puso sa Diyos. Kung ibinibigay ng tao ang kanyang tunay na puso sa Diyos at sinasabi ang tunay na nasa puso niya, handa ang Diyos na gumawa sa kanya. Ang gusto ng Diyos ay hindi ang baluktot na puso ng tao, kundi ang isang dalisay at tapat na puso. Kung hindi magsasalita ang tao sa Diyos mula sa kanyang puso, hindi aantigin ng Diyos ang kanyang puso o gagawa sa kanya. Kaya, ang pinakabuod ng dasal ay ang kausapin ang Diyos mula sa ‘yong puso, sinasabi ang iyong mga pagkukulang o mapaghimagsik na disposisyon, ganap na binubuksan ang iyong sarili sa Kanyang harapan; saka lamang magkakainteres ang Diyos sa iyong mga dasal, kung hindi, itatago Niya ang Kanyang mukha sa iyo.
Show More
II
Ang pinakamababang pamantayan para sa panalangin ay kailangan mong mapanatiling tahimik ang puso mo sa harap ng Diyos, at hindi ito dapat lumayo mula sa Diyos. Maaaring sa panahong ito ay hindi ka nagtatamo ng mas bago o mas mataas na pagkaunawa, ngunit sa gayon ay kailangan mong manalangin upang mapanatili ang iyong kasalukuyang kalagayan—hindi ka dapat bumalik sa dati. Ito ang pinakamababang kailangan mong makamtan.
III
Maging matapat ka; manalangin ka sa Diyos na alisin ang panlilinlang sa puso mo. Dalisayin ang ‘yong sarili sa pagdarasal palagi, at magpaantig sa Espiritu ng Diyos sa pamamagitan ng dasal. Sa ganitong paraan, unti-unting magbabago ang iyong disposisyon. Ang tunay na espirituwal na buhay ay isang buhay ng panalangin—ito ay isang buhay ng pagiging naantig ng Banal na Espiritu. Ang proseso ng maantig ng Banal na Espiritu ay ang proseso ng pagbabago sa disposisyon ng tao. Ang isang buhay kung saan hindi inaantig ng Banal na Espiritu ang tao ay hindi isang espirituwal na buhay, relihiyosong ritwal lamang.
IV
Tanging ang mga madalas na inaantig ng Banal na Espiritu, at naliliwanagan at tinatanglawan ng Banal na











