Tagalog Christian Song | "Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao"
Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos
Tagalog Christian Song | "Ang Kabuluhan ng Pagkakatawang-tao"
I
Ang kabuluhan ng pagkakatawang-tao ay na isinasagawa ng isang ordinaryo at normal na tao ang gawain ng Diyos Mismo; ibig sabihin, isinasagawa ng Diyos na iyon ang Kanyang banal na gawain sa pagkatao at sa gayon ay nagagapi si Satanas. Ang pagkakatawang-tao ay nangangahulugan na ang Espiritu ng Diyos ay nagiging laman, ibig sabihin, ang Diyos ay nagiging katawang-tao; ang gawaing ginagawa ng katawang-tao ay ang gawain ng Espiritu, na nagiging totoo sa katawang-tao, ipinapahayag ng katawang-tao. Walang sinuman maliban sa laman ng Diyos ang makakatupad sa ministeryo ng nagkatawang-taong laman ng Diyos; tanging ang nagkatawang-taong laman ng Diyos, ang normal na pagkataong ito—at wala nang iba—ang maaaring magpahayag ng banal na gawain.
II
Sa pamamagitan ng pagkakatawang-tao upang gumawa, ipinapakita Niya kay Satanas na ang Diyos ay isang tao, isang normal na tao, isang ordinaryong tao—subalit maaaring maghari Siya nang matagumpay sa buong mundo, talunin Niya si Satanas, tubusin ang sangkatauhan, lupigin ang sangkatauhan! Ang mithiin ng gawain ni Satanas ay ang itiwali ang sangkatauhan, habang ang mithiin ng Diyos ay ang iligtas ang sangkatauhan. Binibitag ni Satanas ang tao sa walang-hanggang kalaliman, samantalang sinasagip siya ng Diyos mula rito. Ginagawa ni Satanas na sambahin ito ng lahat ng tao, samantalang isinasailalim sila ng Diyos sa Kanyang kapamahalaan, sapagkat Siya ang Panginoon ng paglikha. Lahat ng gawaing ito ay nakapagkakamit ng resulta sa pamamagitan ng dalawang pagkakatawang-tao ng Diyos. Sa totoo lang, ang Kanyang katawang-tao ay ang pagsasama ng pagkatao at pagka-Diyos, at nagtataglay ng normal na pagkatao.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Hiwaga ng Pagkakatawang-tao 4
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.