Tagalog Christian Song | "Ang Kahulugan ng Paghihimagsik Laban sa Laman"


Tagalog Christian Song | "Ang Kahulugan ng Paghihimagsik Laban sa Laman"

I
Ang laman ng tao ay tulad ng ahas: Ang diwa nito ay ang pinsalain ang buhay ng tao. Kapag ganap na nananaig ang iyong laman, mawawala ang iyong buhay. Ang laman ay kay Satanas. Palaging may maluluhong pagnanais sa loob nito; palagi itong nag-iisip para sa sarili nito, at palagi itong nagnanais ng kaluwagan at gustong magpakasasa sa kaginhawahan, nang walang pagkabalisa o pakiramdam ng pag-aapura, nalulugmok sa kawalang-gawain. Kung bibigyang-kasiyahan mo ito hanggang sa isang partikular na punto, sa huli ay lalamunin ka nito. Kung makapagkakamit ka ng buhay sa harap ng Diyos, at kung ano ang iyong magiging kinalabasan sa huli, ay nakasalalay sa kung paano mo isinasagawa ang paghihimagsik laban sa laman.

Show More

II
Iniligtas ka ng Diyos, at hinirang at paunang itinadhana Niya, ngunit kung ngayon ay ayaw mo Siyang palugurin, ayaw isagawa ang katotohanan, at ayaw maghimagsik laban sa iyong sariling laman nang may tunay na mapagmahal-sa-Diyos na puso, sa huli ay ipapahamak mo ang iyong sarili, at sa gayon ay magtitiis ka ng matinding pagdurusa. Kung lagi mong pinagbibigyan ang laman, dahan-dahan kang lalamunin ni Satanas, at mawawalan ka ng buhay o ng pag-antig ng Espiritu, hanggang dumating ang araw na ganap nang madilim ang kalooban mo. Kapag namumuhay ka sa kadiliman, nabihag ka na ni Satanas, mawawalan ka ng Diyos sa puso mo, at sa panahong iyon ay ikakaila mo ang pag-iral ng Diyos at iiwanan Siya. Kaya, kung nais ng mga taong ibigin ang Diyos, dapat silang magbayad ng halaga ng pasakit at magtiis ng hirap. Hindi kailangan ang panlabas na kasigasigan at paghihirap, higit na pagbabasa at pagpaparoo’t parito; sa halip, dapat nilang isantabi ang mga bagay na nasa kanilang kalooban: ang maluluhong kaisipan, mga personal na interes, at ang sarili nilang mga plano, mga kuru-kuro at mga intensyon. Ito ang layunin ng Diyos.

mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Ang Pagmamahal

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press