Tagalog Christian Song | "Ang Kapakumbabaan ng Diyos ay Labis na Kaibig-ibig"


Tagalog Christian Song | "Ang Kapakumbabaan ng Diyos ay Labis na Kaibig-ibig"

I
Nagpakumbaba Mismo ang Diyos sa gayong antas na ginagawa Niya ang Kanyang gawain sa marurumi at tiwaling mga taong ito, at pineperpekto ang grupong ito ng mga tao. Hindi lamang naging tao ang Diyos upang mamuhay at kumain sa gitna ng mga tao, ipastol ang mga tao, at tustusan ang pangangailangan ng mga tao. Ang higit na mahalaga ay ginagawa Niya ang Kanyang napakalaking gawain ng pagliligtas at paglupig sa mga taong ito na sukdulang tiwali. Dumating Siya sa sentro ng malaking pulang dragon upang iligtas ang pinakatiwaling mga taong ito, nang sa gayon ay mabago at mapanibago ang lahat ng tao.

Show More

II
Ang napakalaking pagdurusa na tinitiis ng Diyos ay hindi lamang ang pagdurusa na tinitiis Niya sa pagkakatawang-tao, kundi higit sa lahat ay dumaranas ng sukdulang kahihiyan ang Espiritu ng Diyos—labis Siyang nagpapakumbaba at nagtatago, Siya’y nagiging ordinaryong tao. Ang Diyos ay nagkatawang-tao at kinuha ang anyo ng laman upang makita ng mga tao na mayroon Siyang normal na buhay ng tao at normal na mga pangangailangan ng tao. Sapat na ito upang patunayan na nagpakumbaba Mismo ang Diyos nang labis. Ang Espiritu ng Diyos ay nagiging totoo sa katawang-tao. Ang Kanyang Espiritu ay lubhang kataas-taasan at napakadakila, subalit nag-aanyo Siyang isang ordinaryong tao, isang hamak na tao, upang gawin ang gawain ng Kanyang Espiritu.

III
Sa usapin ng kakayahan, kabatiran, katwiran, pagkatao, at buhay ng bawat isa sa inyo, talagang hindi kayo karapat-dapat na tanggapin ang ganitong uri ng gawain ng Diyos, at talagang hindi kayo karapat-dapat sa pagtitiis ng Diyos ng gayong pagdurusa para sa inyong kapakanan. Ang Diyos ay napakarangal. Siya ay kataas-taasan hanggang sa gayong antas, at ang mga tao ay mababa hanggang sa gayong antas, ngunit gumagawa pa rin Siya sa kanila. Hindi lamang Siya nagkatawang-tao upang magtustos para sa mga tao, upang magsalita sa mga tao, kundi namumuhay pa Siyang kasama ng

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press