Tagalog Christian Song | "Ang Siyang Nagpapakawala ng Pitong Kulog"
Kaibigan, gusto mo bang magbasa ng higit pang mga salita ng Diyos at matuto ng daan ng Diyos? I-click ang link para makadalo sa aming fellowship. Wala itong bayad.
Messenger: https://shurl.me/TLMessenger
Tagalog Christian Song | "Ang Siyang Nagpapakawala ng Pitong Kulog"
Show More
Ang Makapangyarihang Diyos ang Diyos ng pitong Espiritu,
ng pitong mata't pitong bituin.
Binubuksan Niya'ng pitong selyo, nilaladlad ang kasulatan,
at pinatutunog ang pitong trumpeta.
Pitong mangkok at salot ay Kanyang pakakawalan,
at Kanyang bubuksan din ang pitong selyadong kulog.
Nagpapakita na Siya sa harap natin.
Diyos, sa Iyo lahat ay malaya't dumadaloy.
Walang nangangahas na hadlangan Ka,
lahat ay magpapasakop o mamamatay.
Diyos na may pitong mata, na Siyang walang makakatago,
lahat ay malinaw sa Kanya't sa mga anak Niya.
Ang matuwid na Makapangyarihang Diyos,
Ika'y pinupuri nang walang katapusan.
Marapat Kang purihin magpakailanman,
kilalanin at dakilain nang walang hanggan.
Ang pitong bituin ng Diyos, maliwanag na kumikinang.
Pinerpekto Niya'ng iglesia sa Kanyang kapangyarihan,
itinatatag nito'ng mga sugo.
Iglesia'y tinatamasa ang mga panustos Niya.
Kinukumpleto Niya'ng plano ng pamamahala.
Binubuksan na Niya'ng pitong selyo.
Ang mahiwagang kasulatan ng plano Niya'y ibinubunyag ngayon.
Ang matuwid na Makapangyarihang Diyos,
Ika'y pinupuri nang walang katapusan.
Marapat Kang purihin magpakailanman,
kilalanin at dakilain nang walang hanggan.
Dapat marinig ng lahat ang tunog ng Kanyang pitong trumpeta.
Lahat ay inilalantad na Niya.
Wala nang dalamhati; Diyos ay nagtatagumpay.
Mga trumpeta Niya'y maluwalhating tumutunog!
Pitong trumpeta'y humahatol sa mga kaaway Niya.
Sa gitna ng kabuuang tagumpay,
tambuli Niya'y dinakila, Siya'y maluwalhati.
Pinaghaharian Niya'ng sansinukob!
Nakapuntirya sa mga kaaway Niya ang pitong salot.
Nilamon ng nagngangalit Niyang apoy,
sila'y namamatay sa Kanyang awtoridad.
At pitong kulog ay 'di na selyado.
Sa harap ng Makapangyarihang Diyos, sila'y











