Tagalog Christian Song | "Ano ang Halaga ng Pagpapahalaga sa Katayuan?"
Tagalog Christian Song | "Ano ang Halaga ng Pagpapahalaga sa Katayuan?"
I
Hindi alam ng mga tao kung paano magpakita ng pagsasaalang-alang sa Aking mga layunin, hindi nila makita ang Aking mga gawa, at hindi sila makalakad sa loob ng liwanag at masinagan ng liwanag. Bagama’t minsan nang pinahalagahan ng tao ang Aking mga salita, wala siyang kakayahang makilatis ang mapanlinlang na mga pakana ni Satanas; dahil ang tayog ng tao ay napakababa, hindi niya magawa ang minimithi ng kanyang puso. Hindi Ako sinserong minahal ng tao kailanman. Kapag itinataas Ko siya, pakiramdam niya ay hindi siya karapat-dapat, ngunit hindi nito idinudulot na subukan niyang palugurin Ako. Hinahawakan lamang ng tao ang “katayuan” na ibinigay Ko sa kanyang mga kamay at sinusuri niya ito; hindi nadarama ang Aking pagiging kaibig-ibig, sa halip ay patuloy siyang nagpapakasasa sa mga pakinabang ng kanyang katayuan. Hindi ba’t ito ang kakulangan ng tao?
Show More
II
Kapag gumagalaw ang mga bundok, maaari bang lumihis ng landas ang mga ito alang-alang sa iyong katayuan? Kapag dumadaloy ang mga tubig, maaari bang huminto ang mga ito sa harap ng katayuan ng tao? Mababaligtad ba ng katayuan ng tao ang kalangitan at ang lupa? Minsan Akong nagpakita ng habag sa tao nang paulit-ulit—subalit walang sinumang nagtangi o nagpahalaga rito. Pinakinggan lamang nila ito bilang isang kuwento, o binasa ito bilang isang nobela. Hindi ba talaga naaantig ng Aking mga salita ang puso ng tao? Talaga bang walang epekto ang Aking mga pagbigkas? Maaari kayang walang sinumang naniniwala sa Aking pag-iral? Hindi mahal ng tao ang kanyang sarili; sa halip, nakikiisa siya kay Satanas para atakihin Ako, at ginagamit si Satanas bilang isang “pag-aari” upang paglingkuran Ako. Kikilatisin Ko ang lahat ng mapanlinlang na mga pakana ni Satanas, nang sa gayon, mula ngayon, ang mga tao sa lupa ay hindi na maililigaw ni Satanas, at upang hindi nila Ako labanan dahil sa pag-iral nito.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng











