Tagalog Christian Song | "Huwag Maliitin ang Iyong mga Pagsalangsang"


Tagalog Christian Song | "Huwag Maliitin ang Iyong mga Pagsalangsang"

I
Nabigyan Ko na kayo ng maraming babala at napagkalooban kayo ng maraming katotohanan na ang layunin ay lupigin kayo. Sa ngayon, nararamdaman na ninyong lahat na higit kayong pinagyaman kaysa noong nakaraan, naiintindihan na ninyo ang maraming prinsipyo ng sariling asal, at naunawaan ang napakaraming sentido kumon na dapat taglayin ng mga taong tapat. Ang lahat ng ito ay ang inyong inani sa loob ng maraming taon. Hindi Ko ikinakaila ang inyong mga tagumpay, ngunit hindi Ko rin ikinakaila ang napakaraming paghihimagsik at pagkakanulo na inyong nagawa laban sa Akin sa loob ng maraming taon na ito, sapagkat wala ni isa mang banal na tao sa inyo—kayo ay, nang walang eksepsiyon, mga taong ginawang tiwali ni Satanas; mga kaaway kayo ni Cristo.

Show More

II
Hanggang sa kasalukuyan, nananatiling napakarami na hindi na mabilang ang inyong mga pagsalangsang at paghihimagsik, ngunit alang-alang sa inyong mga kinabukasan, alang-alang sa inyong mga hantungan, dito at ngayon, kukulitin Ko kayong muli. Umaasa Ako na makapagpapakita kayo ng higit na pag-unawa, at na paniniwalaan ninyo ang bawat salitang ibinibigkas Ko at uunawain ang malalalim na layunin sa likod ng Aking mga salita. Marahil ay walang sinuman sa hinaharap ang makapagsasabi sa inyo ng kung ano ang sinasabi Ko sa inyo, o makapagsasalita sa inyo nang may gayong kabaitan, o, mas lalong hindi makakagabay sa inyo nang hakbang-hakbang nang may gayong pagtitiyaga. Gugugulin ninyo ang mga araw na darating sa paggugunita sa magagandang panahon, o sa malakas na pag-iyak, o pagdaing sa sakit, o mamumuhay kayo sa madidilim na gabi nang walang anumang panustos ng katotohanan o buhay, o maghihintay na lamang, ngunit nang walang kahit kaunting pag-asa, o mananahan sa ganoon kapait na panghihinayang na mawawala ang inyong katwiran …. Wala sa inyo ang makatatakas sa mga posibilidad na ito.

III
Ito ay dahil wala ni isa man sa inyo ang nasa posisyon kung saan tunay

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press