Tagalog Christian Song | "Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha"
Tagalog Christian Song | "Isa Lamang Akong Napakaliit na Nilikha"
I
Diyos! May katayuan man ako o wala, nauunawaan ko na ngayon ang sarili ko. Kung mataas ang katayuan ko, iyon ay dahil sa Iyong pagtataas, at kung mababa ito, iyon ay dahil sa Iyong paunang pag-orden. Ang lahat ay nasa Iyong mga kamay. Wala akong anumang pagpipilian, ni anumang reklamo. Pauna Mong inorden na maisilang ako sa bansang ito at sa piling ng taumbayang ito, at ang tanging magagawa ko ay maging ganap na mapagpasakop sa ilalim ng Iyong kapamahalaan dahil ang lahat ng bagay ay ang pauna Mong inorden.
Show More
II
Hindi ko iniisip ang katayuan; isa lamang akong nilikha. Kung ilalagay Mo ako sa walang-hanggang hukay, sa lawa ng apoy at asupre, isa lamang akong nilikha. Kung gagamitin Mo ako, isa akong nilikha. Kung gagawin Mo akong perpekto, isa pa rin akong nilikha. Kung hindi Mo ako gagawing perpekto, mamahalin pa rin Kita dahil isa lamang akong nilikha.
III
Isa lamang akong munting nilikha ng Lumikha, isa lamang sa gitna ng lahat ng taong nilikha. Ikaw ang lumikha sa akin, at inilagay Mo ako ngayon sa Iyong mga kamay upang ipamatnugot sa akin ang kalooban Mo. Handa akong maging Iyong kasangkapan at Iyong hambingan dahil ang lahat ay ang Iyong paunang inorden. Walang sinumang makakapagbago nito. Lahat ng bagay at lahat ng pangyayari ay nasa Iyong mga kamay.
mula sa Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Bakit Ayaw Mong Maging Hambingan?
Paalala: Ang lahat ng video sa channel na ito ay mapapanood nang walang bayad. Partikular na ipinagbabawal sa sinumang indibiduwal o grupo ang pag-a-upload, pagbago, pagbaluktot, o paghalaw ng anumang video sa Youtube channel ng Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos nang walang pahintulot. Ang Iglesia ng Makapangyarihang Diyos ay may karapatang gumawa ng kahit anong at lahat ng legal na kalutasan sa anumang paglabag sa mga kondisyong ito. Mangyaring kontakin kami nang maaga para sa mga kahilingang ipalaganap ang mga ito sa publiko.











