Tagalog Christian Song | "Mga Hinihingi at Babala ng Diyos sa Tao"


Tagalog Christian Song | "Mga Hinihingi at Babala ng Diyos sa Tao"

I
Napakarami Kong inaasam. Umaasa Akong kaya ninyong umasal sa isang wasto at maayos na paraan, debotong gumampan ng inyong mga tungkulin, magtaglay ng katotohanan at pagkatao, maging mga tao na kayang talikdan ang lahat ng bagay, kabilang na ang buhay nila, para sa Diyos, at iba pa. Ang lahat ng inaasam na ito ay tumutukoy sa inyong mga kakulangan at sa inyong katiwalian at paghihimagsik. Dapat ninyong makamit ito: Una, suriin ang lahat ng pagsalangsang mo, at suriin ang anumang pag-uugali at mga saloobin mo na hindi umaayon sa katotohanan. Umaasa Ako na hindi ninyo pagtatawanan sa loob-loob ninyo ang hinihinging ito, at lalong hindi ninyo ito mamaliitin o tatratuhin nang basta-basta. Dapat ninyo itong seryosohin, at huwag maging mapagwalang-bahala.

Show More

II
Ikalawa, para sa bawat pagsalangsang at paghihimagsik na mayroon ka, dapat kang maghanap ng isang katumbas na katotohanan upang lutasin ito, at pagkatapos, palitan mo ang iyong mga mapagsalangsang na kilos at mga mapaghimagsik na saloobin at mga kilos ng pagsasagawa sa katotohanan. Ikatlo, dapat kang maging isang taong totoo; huwag mong subukang mambola, at huwag maging mapanlinlang na tao. (Dito ay muli Kong hinihingi sa inyo na maging isang matapat na tao.) Kung maisasakatuparan mo ang lahat ng tatlong bagay na ito, ikaw ay mapalad—isa kang tao na ang mga pangarap ay natutupad at isang tao na tumatanggap ng mabuting kapalaran. Ano’t anuman, ang Aking layunin ay ang tuparin ang inyong mga pangarap at maisakatuparan ang inyong mga adhikain, hindi ang pagtawanan kayo o paglaruan kayo.

III
Wala Akong pakialam kung nagsikap ka nang husto at nakagawa ng mahahalagang kontribusyon, kung labis kang kalipikado, kung sumusunod ka sa Akin nang malapitan, kung ikaw ay lubos na kilala o kung bumuti na ba ang iyong saloobin; hangga’t hindi ka kumikilos ayon sa Aking mga hinihingi, hinding-hindi mo makakamit ang Aking pagsang-ayon. Mas mabuting kumilos ka sa

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press