Tagalog Christian Song | "Paano Tatahaking Mabuti ang Huling Bahagi ng Landas"


Tagalog Christian Song | "Paano Tatahaking Mabuti ang Huling Bahagi ng Landas"

I
Kailangan mong tandaan na ang mga salitang ito ay sinalita na ngayon: Kalaunan, daranas ka ng mas matinding kapighatian at mas matinding pagdurusa! Ang magawang perpekto ay hindi isang simple o madaling bagay. Kahit paano ay kailangan mong taglayin ang pananalig ni Job, o mas malaki pang pananalig kaysa sa kanya. Dapat mong malaman na ang mga pagsubok sa hinaharap ay magiging mas malaki kaysa sa mga pagsubok kay Job, at na kailangan mong sumailalim sa pangmatagalang pagkastigo. Simpleng bagay ba ito? Kung hindi mo mapanghawakan ang mga pangitain ngayon, wala kang pundasyon kahit kaunti, at ikaw ay iwawaksi sa hinaharap!

Show More

II
Timbangin mong mabuti kung paano tatahakin nang wasto ang huling bahagi ng landas na ito. Ito ang landas na kailangang tahakin sa hinaharap, ang landas na kailangang tahakin ng lahat ng tao. Huwag mong balewalain ang kaalamang ito; huwag mong isipin na nagsasalita Ako nang walang kabuluhan. Darating ang araw na magagamit mo ang lahat ng ito—hindi maaaring sambitin ang Aking mga salita nang walang kabuluhan. Ito ang panahon para sangkapan ang iyong sarili, ang panahon upang ihanda ang daan para sa hinaharap. Dapat mong ihanda ang landas na tatahakin mo sa hinaharap; dapat kang mag-alala at mabalisa tungkol sa kung paano mo magagawang manindigan sa hinaharap, at maghandang mabuti para sa iyong landas sa hinaharap. Huwag maging matakaw at tamad!

III
Kailangan mong gawin talaga ang lahat ng makakaya mo para magamit nang pinakamainam ang iyong oras, upang makamit mo ang lahat ng iyong kailangan. Ibinibigay Ko sa iyo ang lahat upang ikaw ay makaunawa. Sa pagdanas ng mas matinding kapighatian, makakamtan ang tunay na pagkaunawa sa loob ng lahat ng tao. Ito ang mga hakbang ng gawain. Kapag lubos mo nang nauunawaan ang mga pangitaing ibinahagi ngayon at nagtamo ka ng tunay na tayog, anumang pagdurusa ang danasin mo sa hinaharap ay hindi ka madadaig, at magagawa mong

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press