Tagumpay Man o Kabiguan || cover by Sis. Laura Padilla
"Tagumpay Man O Kabiguan"
Tila kay daling magpasalamat sa Diyos
Sa mga pagpapalang lagi niyang kaloob
Ngunit kung may-dusa at may kalungkutan
Tila ba kay hirap ang siya'y pasalamatan
Show More
Tila ba kay hirap magbigay ng papuri
Kung mga kabigua'y nadaramang lagi
Natitirang pag-asa‘y tila ba maglalaho
Sa nadaramang paghihirap ng puso
Ngunit ang pangako niya'y wag kang maninimdim
Pagkatapos ng gabi araw ay darating
Luha sa mga mata'y kanyang papahirin
Paghihirap ng puso'y kanyang papawiin
Sa lahat ng sandali siya'y pasalamatan
Buhay man may tagumpay o may kabiguan
Pangako ng Diyos ay lagi mong panghawakan
Di nya tayo iiwan o pababayaan
Dahil ang pangako niya'y wag kang maninimdim
Pagkatapos ng gabi araw ay darating
Luha sa mga mata'y kanyang papahirin
Paghihirap ng puso'y kanyang papawiin
Ngunit ang pangako niya'y wag kang maninimdim
Pagkatapos ng gabi araw ay darating
Luha sa mga mata'y kanyang papahirin
Paghihirap ng puso'y kanyang papawiin
Paghihirap ng puso'y kanyang papawiin











