TAKOT NG MAGMAHAL | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
TAKOT NG MAGMAHAL
nakakatakot magmahal
dahil sa panahon ngayon
di mo na alam kung saan ang totoo
at kung saan ang laro
Show More
ilang beses ng nasaktan
ilang beses ng naniwala sa mga pangakong
mapapako lang rin naman pala
kapag may natagpuan ng iba
di ko alam kung
ba’t ko to nararamdaman
ganito talaga siguro kapag
ilang beses ka ng nasaktan
at ilang beses ka nang
umasa na mamahalin ka rin
ng taong mahal mo
nakakatakot magmahal
lalo na kung paulit ulit nalang
na winwasak ang puso
ng taong di alam ang halaga mo
nakakatakot nang magmahal
dahil baka sa muli ay
ang maramdaman mo ulit
yung sakit na inukit
ng taong binuo mo
ayaw kong sisihin ang tadhana
pero bakit kailangan pa nating masaktan ng ganito
bakit kailangan pa nating maramdaman na di tayo ka mahal mahal
at di tayo nararapat na tumanggap ng pag-ibig na gusto nating mapasaatin
ayaw kong sisihin ang tadhana
pero bakit pa kailangang matagpuan
ang taong walang ibang ginawa kundi akoy saktan
ng paulit-ulit
durugin ng paulit-ulit
nakakatakot nang maniwala sa mga pangakong
“di kita sasaktan”
sapagkat ang natanggap ay kabaliktaran
dahilan kung bakit ngayon
ang puso ang nananatiling sugatan
di alam kung papano ulit hihilumin
di alam kung papano ulit buohin
kung ang makakabuo nito ay pag-ibig ang din
nakakatakot ng maniwala muli
nakakatakot magmahal uli
kaya ang tanging hiling ko na lamang
ay kung may darating man
sa buhay ko ay sana
yung taong mamahalin ako ng buo
yung walang halong biro
at walang halong laro
sapagkat wala naman akong ibang nais
kundi ang mahalin ng totoo
ang taong mamahalin din ako ng buo
Music Produced by :
https://youtu.be/QETk_1Q8u5A











