Tanggalin natin ang inggit
TANGGALIN NATIN ANG INGGIT
Mahirap sumaya kapag may inggit tayong tinatago sa puso natin. Walang maidudulot ang inggit. Nang dahil sa inggit, hindi natin nakikita ang ating mga blessings, ang ating talento, ang ating kalakasan. Ngayong adulto na tayo, palaging nating iniisip na may kulang sa buhay natin. There’s always a constant search for what is missing. Hindi na tayo kontento. Mapanganib ang inggit dahil ito ang mitsa ng pagkaguho ng pagkatao, pagkaguho ng kaluluwa. Mapanganib ang inggit dahil hadlang ito sa pag-unlad ng isang tao. Mapanganib ang inggit dahil gumagawa ito ng kaaway. Sarili ang pinakamalaking kaaway. Nakamamatay ang inggit. Malalabanan natin ang inggit kung tayo’y magiging tunay na mapagpakumbaba. Tutulong ito sa atin na magkaroon ng pagpapahalaga sa kakayahan at katangian ng iba.











