TANGING KAILANGAN | Victory Worship (cover with lyrics)


Dan Carniyan

21 views

Written by: Keiko Cubil, EJ de Perio, Charles Bautista
Original version: https://youtu.be/kzCrun0UXyo?si=vyi4S3oL4gjAbB5T
Instrumental: https://youtu.be/Ny-oiSa3xxI?si=tCr9uHWJNbA7cfzq

Lyrics
Kaya ko ba'ng ibigay ang lahat
Kung sa sarili’y hindi na sapat
Kay raming kulang, 'di kayang punan

Show More

Laging sinusubok ang pusong pagal
Ngunit umaapaw 'Yong pagmamahal
Kay raming kulang ang 'Yong pinunan

Ngayon pa ba magdududa?
Katapatan Mo ay subok na

Ramdam Ka sa ihip ng hangin
Tanaw Ka sa bilyong mga tala
Liwanag ng buwan at araw
Ay patunay na Ika'y dakila
Gaya ng ibon sa kalangitan
Bawat kailanga’y tutugunan

Sabihin Mo lang ang Iyong Salita
Handang makinig at Sayo’y magtiwala
O, aking Ama, sa'Yo lang aasa

Hilumin Mo ang pagdududa
Katapatan Mo ay sapat na

Panginoon Ikaw ang
Aming tanging kailangan
Walang hanggan at tunay
Ang Iyong katapatan

Gaya ng ibon sa kalangitan
Ikaw ang tanging kailangan

Aking Hesus, binigay Mong lahat
Krus ng pag-ibig na higit sa sapat

© 2023 Victory Worship

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press