TAPOS NA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

215 views

Tapos na.
(By: Jordan Cahatol)
Produced by: MERCY BLESS

Hindi ko na kailangan na umasa pa.
Hindi ko na kailangan na manatili pa.
Hindi ko na ipipilit ang aking nadarama.A
ng aking mga nagawa o ginawa.
Siguro sakin o sayo ay sapat na.
Sapat na, na hanggang dito nalang ako.
Sapat na, ang mga salitang binitawan mo.
Sapat na yung mga nagawa ko sayo.
Sapat na ang aking pagsusumakit sayo.
Sapat na ipabatid sayo ang nadarama ko.
Sapat na, na hanggang dito nalang ako.
Pasensya kana, kung ginulo ko ang buhay mo.
Pasensya kana dahil dumating ako.
Dumating ako sa maling mundo mo.
Dumating ako sa maling panahon at magulo pa ang puso mo.
Pasensya na dahil ito lang naman ako.
Ito ako na magulo pero totoo.
Minsan sakit ng ulo.
Pero seryoso.
Makulit pero minsan sweet.
Mahigpit pero mabait.
Kaya wag mo naman sanang ipagkait.
Kahit kaibigan lang ako, Kahit masakit.
Na hanggang dun na lang ako.
Wag kang mag alala okay lang ako.
Sadyang ako ay ganito.
Matatagalan pa na kalimutan ang kagaya mo.
Ikaw na nagpatibok sa puso ko na bato.
Mahirap man pero kakayanin ko.
Kakayanin ko ulit na mag isa.
Kakayanin ko ulit na walang kasama.
Kakayanin ko na iba na ang iyong kasama.
Kakayanin ko na hindi na ako ang dahilan ng iyong pagiging masaya.
Kakayanin ko kahit ang sakit sakit na.
Okay nako. Wag kang mag alala.
Basta maging masaya ka.k
Sapat na ang ngiti mong aking natatanaw.
Sapat na masilayan kita araw araw.
Siguro nga tapos na.
Tapos na ang pagsikat ng araw.
Tapos na ang liwanag na aking natanaw.
Siguro nga iba ang ating mga pananaw.
Tapos na ang panaginip na ikaw ang laman.
Tapos na ang kabanata na buong puso kong tinipa.
Pasensya na siguro nga tapos na.

Show More

Ang kwento nating dalwa.
Wag mo sanang kalimutan na merong ako.
Na naging parte ng puso mo.
Kahit maging kwento nalang ako.
Masaya padin ako na naging parte ako ng buhay mo.
Pasensya kana ito lang talaga ako.
Magulo pero totoo.

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press