👉Tapos nahayag ng suporta ang MNLF Davao kay Quiboloy, PACQ di magpapahuli ng buhay!

80,117 views,

Bro. Wendell Talibong ~ PananampalatayaatKatuwiran

198,000 views

#faith #seeking #understanding

Tapos naghayag ng Suporta ang MNLF Davao kay Pastor Apollo Quiboloy PACQ ‘di daw magpahuhuli nang buhay!

Ito ang mariing sinabi nitong Sabado ng kontro­bersyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Pastor Apollo Quiboloy kaugnay ng warrant of arrest na inisyu laban dito ng korte.

“Tatayo ako na ‘di pasasakop sa injustice, tatayo ako for constitutional rights, ‘di magpapasakop sa oppression, buti pa mamatay ako sa kamay ng mga Pinoy kaysa mamatay sa kamay ng mga puti na nasa ibayong dagat ‘di ako papayag sa ganong sistema, tutulo ang dugo ko sa sariling bansa, ‘di ninyo ako mahuhuli ng buhay, buti pa barilin na ninyo ako huwag lang mangialam ang Amerika,” pahayag ni Quiboloy na gumaralgal ang boses sa paglalahad ng mensahe nitong Sabado na iniere sa Sonshine Media Netwok International (SMNI).

Sinabi ni Quiboloy na mas mabuti pang barilin na lamang siya ng kapwa niya Pilipino kaysa hulihin nang buhay.

Samantala nagbigay rin si Quiboloy ng demand sa gobyerno, kay PNP Chief P/General Rommel Francisco Marbil, National Bureau of Investigation (NBI) Director Medardo de Lemos, Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na dapat umanong lagdaan ng mga ito sa isang dokumento na igagarantiya na hindi siya ibibigay at mang­himasok ang mga Amerikano ay lilitaw siya kahit saang dako ng Pilipinas para harapin ang kaniyang mga kaso.

Ayon kay Quiboloy, ayaw niyang sumuko dahil ang ‘end game’ umano ay ‘extra ordinary rendition’ kung saan ibibigay siya ng gobyerno sa mga Amerikano.

Ayon kay Quiboloy, kung hindi ito maigaga­rantiya sa kaniya ay hindi siya pahuhuli nang buhay at handa rin siyang ipagtanggol ng kaniyang mga tagasunod sa KOJC.

Muli ring nanindigan si Quiboloy na wala umanong katotohanan ang mga kasong ibinibintang sa kaniya na aniya’y matagal na nadismis at pilit lamang umanong binubuhay.



✅Mr. Curius Catholic https://www.youtube.com/@mr.curiouscatholic
✅FactBusters PH www.youtube.com/@FactbustersPH/videos
✅Pananampalataya at Katuwiran www.youtube.com/@PananampalatayaatKatuwiran
✅Follow me in my Tiktok account : vm.tiktok.com/ZT8Lo87hs/

✅ PLEASE HELP SUPPORT THIS MINISTRY BY SUBSCRIBING! IT'S FREE!
---------------------------------------------------------------------
FOR SPEAKING ENGAGEMENT & BRAND COLLABORATION, CONTACT ME:
Email: christipax513@gmail.com
---------------------------------------------------------------------

Related Videos

 /