Tayo ay nasa puso ng Diyos at pinili ka Niya
Sa mundo natin ay nageelect tayo ng government official na gusto nating ihalal. Pero sa Diyos walang botohang nangyari. Siya na ang nagdecide kung sino ang pipiliin Niya. Ibig sabihin ikaw ay mahalaga sa Kanya.
Kaya nga Kaibigan kung ang feeling mo ayparang wala kang halaga, tandaan mo ito: Pinili ka ng Diyos at binigyan ka ng purpose bago pa man likhain ang mundo.
Show More
Now ano ang purpose? Ang purpose ay para maging Kanya. Ang ibig sabihin gusto Niya tayong iligtas. Hindi intensyon ng Diyos na mapahiwalay sayo. Noon pa man bago magsimula ang lahat ay nais na Niyang makasama ka at hindi mawalay sa Kanya. Hindi Niya nais na ang magmayari sayo ang diablo, hindi Niya nais na maging alipin ka ng laman mo at ng kasalanan. Hindi Niya nais na mabuhay ka ng walang direksyon at walang totoong satisfaction sa buhay.
Kundi Ang nais Niya ay manatili ka sa Kanya. May lumalagong nagmamahalang relasyon sa Kanya at meron talagang buhay na meaningful.
Panuorin ang buong mensahe, pindutin lang ito
šhttps://youtu.be/GsPNplbVX-w?si=l5VcDvHviFdq_tYy
#karangalanngDiyos #kaluwalhatianngDiyos #tagalogsermon #tagaloginspIrational #tagalogBibleverses #tagalogmotivational #tagalogBiblestudy #tagalogpreaching #walkwithGod #christianvlog











