THE BITTER TRUTH ABOUT LIFE | BRAIN POWER 2177


Brain Power 2177

10,356 views

Video Title: THE BITTER TRUTH ABOUT LIFE | BRAIN POWER 2177

Join this channel to get access to perks:
https://www.youtube.com/channel/UC3LLn6bPkCStfCHKShTZrrQ/join

Show More

May gusto talaga akong sabihin sa 'yo tungkol sa katotohanan ng buhay.

Dapat mamuhay ka ng maayos ngayon. Mamuhay ka ng maayos bago ka mawala sa mundong ito. Buhay mo ay regalo ng Diyos. 'Wag mong sayangin ang oras mo. Nilagay ka ng Diyos dito dahil may kailangan kang gampanan. Kaya 'wag kang tumigil sa pagtatanong o sa paghahanap kung ano ba talaga ang misyon mo.

Ang lahat ng magagandang bagay sa mundo ay hindi mo makikita, hindi mo ito mahahawakan. Ito'y mararamdaman mo.

Kaya 'wag mong masyadong seryosohin ang maliliit na bagay. 'Wag mong igugol lahat ng oras mo sa pagpapakapagod. Maglaan ka rin ng oras para magsaya. Para gumaan ang mood mo. Ito ang totoong sikreto ng buhay, mamuhay ka sa mismong araw na ito. Imbes na pagod ka sa trabaho ngayon, magpokus ka sa bunga ng pagtatrabaho mo. Kung may nagsabi man sa 'yo na dapat talaga seryoso tayo sa buhay, seryoso sa lahat ng oras, mas lalo kang mai-stress, mas lalo kang ma-frustrate, mawawala ang gana mong ngumiti at tumawa.

Naaalala mo pa ba n'ong bata ka pa? Wala kang ibang iniisip kundi ang maglaro lang, 'di ba? 'Yan ang pinaka mahalagang aral na kailangan nating baunin sa ating paglalakbay. 'Wag kang mag seryoso sa mga bagay na wala namang maidudulot na positibo sa 'yo. Para lang tayong nagbabaraha, laruin natin kung ano ang nasa sa 'tin. Paano kung seryoso ka na lang palagi? Kawawa ka kung dumating na ang huling araw mo. Mas lalo kang malulungkot dahil hindi mo man lang naranasan ang kagalakan sa panahong pwede pa. Kaya palagi mong ipapaalala sa sarili mo, na hindi ka mananatili sa mundong ito. Kailan ka ba mamuhay ng magaan lang? Kung puputi na ang uwak? Kapag pinapaalala natin sa ating sarili na mamamatay din tayo sa darating na panahon, at hindi natin alam kung kailan magwawakas ang lahat, kung talagang ikakapit natin 'to sa ating buhay, na

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press