THE NEW COAT OF ARMS AND SEAL OF MINOR BASILICA AND ARCHDIOCESAN SHRINE OF THE BLACK NAZARENE


Quiapo Church

401 views

Mga Ka-Deboto! Narito ang mga kahulugan ng mga elementong nakapaloob sa bagong ‘Parish Seal’. Binigyang kahulugan ang bawat tanda upang mas maunawaan pa at mapalalim ang ating kaalaman sa ating Simbahan/Parokya.

Ang bagong selyo ay pinasinayaan noong ika-15 ng Hunyo, 2023, unang araw ng Misa Nobena sa karangalan ng ating patron, San Juan Bautista.

Show More

Paalala mga Ka-Deboto, ang paggamit ng sagisag o SELYO ng Basilika Menor na itim na Nazareno na walang pahintulot sa simbahan o pamunuan ay mahigpit na ipinagbabawal alinsunod sa R.A. No. 8293 (𝘐𝘯𝘵𝘦𝘭𝘭𝘦𝘤𝘵𝘶𝘢𝘭 𝘗𝘳𝘰𝘱𝘦𝘳𝘵𝘺 𝘊𝘰𝘥𝘦 𝘰𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘗𝘩𝘪𝘭𝘪𝘱𝘱𝘪𝘯𝘦𝘴)

Ang Escudo de Armas at Selyo ng Basilika Menor at Pangarkidiyosesis na Dambana ng Itim na Nazareno, Parokya ng San Juan Bautista

𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗢𝗟𝗢 𝗡𝗜 𝗛𝗘𝗦𝗨𝗞𝗥𝗜𝗦𝗧𝗢, 𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗭𝗔𝗥𝗘𝗡𝗢
- Ang kalasag ay may disenyong pakrus na kulay put isa ibabaw ng kulay berde.
- Nasa gitna ng kalasag ng mga letrang “IHS” na nakaukit sa nagniningning na araw.
- Ang ‘Christogram’ na “IHS” ay nangangahulugang ‘Iesous Hemeteros Soter’ o Hesus Aming Tagapagligtas na pumatungkol kay Kristo mismo bilang ang Nazareno.
- Ang Latin Cross ay sumisimbolo sa Kristiyanismo at sa Pagpapakasakit at Pagkamatay ni Kristo.
- Ang kulay kayumanggi ay tumutukoy sa kahoy na krus na dala ng Nazareno at sa pamilyar na kayumangging kulay ng imahe ng Nazareno na tanda rin ng Kanyang kababaang-loob.
- Ang koronang tinik na kulay ginto na pumapalibot sa krus ay tanda ng dakilang pag-aalay ng buhay ni Hesus para sa sangkatauhan bilang ating Hari.
- Ang kulay sa likuran ng kalasag ay maroon. Isinasalarawan nito ang tela na suot ng Nazareno. Ito rin ay tumtukoy sa dugo ni Kristo na dumaloy para sa kaligtasan ng mundo.
- Ngunit itong kabuuan ng mga simbolo ay napapaloob sa mas malaking krus na kulay puti na nagtuturo sa atin na hindi lamang magnilay ukol sa kamatayan ni Hesus kundi sa pag-asa ng muling Pagkabuhay ng Panginoon.

𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗦𝗜𝗠𝗕𝗢𝗟𝗢 𝗡𝗚

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press