The Only 3 Steps You Need To Defeat Your Giants! Tagalog


Kaibigan, meron ka bang kinakaharap na malaking kalaban sa buhay na pakiramdam mo ito ay isang napakalaking higante?
Na-realize ko kasama na ako na lahat tayo ay meron at merong pagdadaanang ibat-ibang giants sa ating buhay.

Ang sinasabi kong giants ay yung mga problema, issues, challenges, na parang hindi nawawala sa ating buhay. Nag-attempt tayong patayin ang mga giants na ito pero parang lumalaki sila lalo habang tumatagal. Pwedeng ito ay pinansyal na pagkakautang, pwedeng ito ay problema sa marriage, pwedeng ito ay anak mo na nasa likong daan o pwedeng ito ay problema sa trabaho o problema sa iyong boss na hindi mo na matiis ang ugali.

Show More

Pwede rin ang giant na ito ay isang personal na kasalanan na palagi nalang tayong nahuhulog at pabalik-balik dito. Pwedeng ang giant na ito ay pagkatakot, pag-aalala, pagnanasa sa iba, pagkainggit, pride, o kaya ang iyong higante ay isang klase ng adiksyon. Halimbawa sa droga, bisyo, pagsusugal, tsismis, gaming, social media, overeating na parang ito na ang nagkokontrol ng iyong buhay. Pwede rin ang iyong giant ay ang iyong insecurities o rejection ng ibang tao sayo, oh pagkapoot mo sa iba na hindi nawawala. Pwedeng ito ay depresyon oh unforgiveness at itong mga giant na ito ay paulit-ulit na nagpapabagsak at nagpapahina ng iyong loob.

Kaibigan tandaan mo ito, ito yung maganda hindi ka nag-iisa sabi sa

1 Corinto 10:13 ASD
13 Walang pagsubok na dumarating sa inyo na hindi naranasan ng ibang tao. Ngunit maaasahan natin ang pangako ng Dios na hindi niya tayo pababayaang subukin ng higit pa sa ating makakaya. Kaya kung dumaranas kayo ng pagsubok, gagawa siya ng paraan para mapagtagumpayan ninyo ito.

kaibigan walang pagsubok na dumarating sa atin na hindi din nararanasan ng ibang tao. Pangalawang maganda ay hindi ka nag-iisa sa laban na yan dahil sasamahan ka ng Diyos at ang sabi sa talata ay gagawa Siya ng paraan para mapagtagumpayan mo ang bagay na yan. Kaibigan kahit anong pinagdadaanan mo gusto ng Diyos na malaman mo na

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press