THE POWER OF THE HOLY SPIRIT
Sa Ebanghelyo ni San Juan ay ipinapahayag ang mensahe ng "Pagkakaisa" at kagaya nga ng binanggit ni Hesus sa kanyang panalangin: "Maging isa nawa silang lahat.", dito ay ibinibigay ang isang panawagan na tayo bilang mga nananampalatayang Kristiyano ay kailangang magkaisa sa ating pananampalataya. Kagaya nga ng isinulong ng ating dating Santo Papa na si San Juan Pablo II, ipinanawagan niya na kailangang magkaisa ang lahat ng mga Kristyano katoliko man o hindi kaya nga nabuo ang ugnayan ng simbahang katoliko sa ibang mga kristyanong sekta o tinatawag din nating Ekyumenikal na Ugnayan na ginugunita tuwing Enero kada taon at ipinagdiriwang sa pamamagitan ng Ekyumenikal na Panalangin para sa Pagkakaisa ng mga Kristiyano. Ito naman din ay mas pinagtibay pa ng ating kasalukuyang Santo Papa na si Papa Fransisco ng inilunsad niya noong 2021 ang pagsusulong ng Simbahang Synodal kung saan ang ating Inang simbahan ay isa nang Simbahang naglalakbay at handang tumanggap sa lahat ng uri ng pananampalataya at antas.
Sa pag tupad ng panawagang ito ay nangangailanan tayo ng isang pag gabay. Hindi madali ang tumugon sa isang misyon lalo na kung tayo bilang mga tao ay pinangungunahan ng ating takot at natatalo ng ating mga makamundong pangangailanagn. Ipanalangin natin na sa pagtugon natin sa misyon na ito ay lukuban tayo ng Espiritu Santo upang tayo ay maging karapatdapat na humayo at gumanap sa tungkuling sa atin ay iniatang. Nawa ay sa nalalapit na pagdiriwang natin ng Pentekostes ay mabuhay tayo sa pag gabay ng Espiritu Santo at nawa ang kapangyarihan niya ay magpanibago sa atin at magbigay sa atin nt buhay na walang hanggan.
Show More
Para isabuhay ang isang talata sa bibliya, ating pakinggan si Bro. Moises Cuacoyes.
Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho!
Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama.











