This too shall pass
Lahat ng nangyayari sa mundo, positibo man o negatibo, lahat ng problema, mawawala rin 'yan, magbabago rin 'yan. Hindi 'yan mananatili sa buhay mo. Ilang beses na akong sinubok ng panahon. Ang inaakala kong mahirap solusyonan na problema, nasosolusyonan pala. Sigurado ako na may mga tao ngayong naiipit ng matinding problema na akala nila panghabang buhay na problema na 'yon. Pero hindi, nababagsak ka ngayon para ma-realize mo na kailangan mong kumilos. Sa baba mo simulan ang solido mong pundasyon. Lugmok na lugmok ka man ngayon sa buhay mo, pansamantala lang 'yan. Magbabago rin ang iyong sitwasyon balang araw. Magtiwala ka lang. Lahat ng klaseng problema ay nakakadismaya. Pero ang problema din ang dahilan kung bakit naging matatag tayo sa buhay. Kung bakit may natutunan tayo. Matatapos rin ang mga problema mo. Kapag natapos na ang problema mo, may darating na namang bagong problema. Another problem, another lesson. 'Yan ang buhay e. Pero maiahon mo pa ang sarili mo kung handa ka na ring harapin ang hamon ng buhay.











