Time Management. Prinsipyo sa pamamahala ng oras.


Time Management. Prinsipyo sa pamamahala ng oras.

Nagtataka ka ba kung bakit parang ang bilis ng oras? Sobrang busy ka maghapon pero parang kulang na kulang pa rin ang time. Noong taong 1967 sa America ay may nagpredict na darating ang time na sobrang magiging advance ang ating technology. Mas mabilis na computer, mas mabilis na transportansyon, mas mabilis na makina, mas mabilis na transaksyon ng mga bagay, mas mabilis na pagpapalaganap ng inpormasyon, mas magagaling na medical equipments at iba pa. At sabi nila na pag nangyari ito ay ang magiging average na pasok na lang ng mga tao sa trabaho ay tatlong araw sa isang linggo. Wow grabe type nyo. Pero tignan mo ngayun narito na tayo sa advance na technology pero bakit sobrang busy pa din natin at kulang pa rin ang ating oras. Mas mabilis tayo magsalita, mas mabilis maglakad, mas mabilis kumain, mas mabilis na communication system pero bakit kulang pa din ang ating time.

Show More

Narealized ko tuloy, hindi kaya meron naman tayong sobrang time pero mali lang ang napaggugugulan nito? At dahil sa maling bagay ang napupuntahan ng ating oras ay nawawalan naman tayo ng oras para sa mas mahahalagang bagay sa buhay natin. Ang panganib pa dito ay tayo tuloy ang nagiging alipin ng makabagong teknolohiya. Sa halip na gumaan ang ating buhay ay mas lalo tuloy tayong nasstress. Narealized ko na mahalaga talaga na maging matalino tayo sa paggamit ng oras. Kaibigan kapag ia-analyze mo ang taon na ito ay nakikita mo ba na talagang naging marunung ka sa paggamit ng iyung oras? Meron ka bang gusto pang gawin na mahalaga sa iyung buhay gaya ng paghahanap at paglilingkod sa Diyos kaya lang ay wala ka ng time? Alam mo ba na merong pang mas mainam na paraan ng pamamahala ng ating oras? Importanteng importante na matutunan natin ito.

May nagsabi “Time is the scarcest resource, and unless it is managed nothing else can be managed.”

Kaibigan kung hindi mo mapamahalaan ng maayos ang iyung oras ay hindi mo mapapamahalaan ng maayos ang iba pang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press