TINAMAAN NA SAYO | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
TINAMAAN NA SAYO
BY: MERCY BLESS
Pinaghalong emosyon ang pinag sama sama
Kilig, kaba at saya
Habang nasisislayan ka
Di ko namamalayang ngiti ko ay abot langit na
Daig ko pa ata ang nanalo sa lotto
Dahil nung nakita kita di ko na alam ang gagawin ko
Titingin ba o magtatago, basta ang alam ko kahit saan kaman na sulok pupunta
Hahanap ako ng pwestong masilayan lang kita
Show More
Ano ba tong nararamdaman ko
Para akong pinana ni kupido
Bigla akong naadik sayo
Rugby kaba
Aminin mo, dahil parang hinahanp hanap na kita bawat segundo
Kinakabahan akong tumingin sa mga mata mo
Baka magkatagpo ang mga ito
At makita mo ang namumulang pisngi ko
At malaman mo na tinamaan ako ng husto
Pupunta sa isang lugar na walang makakakita
Tatalon sisigaw ng mahina
para walang makarinig na akoy pinana
Nang mapang akit mong mata na namimiss sa tuwina
Pag andyan ka parang binuhusan ako ng isang timbang kaba
Ang isip ko’y lumilipad at natataranta
Ano ba ang meron ka ?
Bakit kaya mong paliparin ang mga hugis puso sa aking mga mata
Kahit di nakatingin sayo, nakikita kita
Baka magtaka ka bakit ko to nagagawa
Ikaw ba naman ang tamaan at pinana
Kahit anong hirap na angulo pa iyan gagawa ako ng paraan masilayan kalang
Ang hirap na talaga ng aking dinarama
Maging sa pagtulog ay panaginip ka
Tanggap ko naman na pangarap lang kita
Kahit sa malayo lang na tanaw kita ay okay na
Kompleto na ang araw ko makita ka lang na masaya
Nandito lang ako para sa 'yo
Kahit 'di mo man alam ang nararamdaman ko ay okay lang basta't hayaan mo lang akong mahalin ka nang todo
Kahit ako lang ang nakakaalam
Kahit ako lang ang sa atin may nararamdaman
Okay lang, hayaan mo lang akong sa iyo ay matamaan
Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351
Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless
Business Email











