TO THOSE WHO ARE STRUGGLING - MOTIVATIONAL VIDEO
JSB Heartening
Para sa mga taong nahihirapan na sa buhay, para sa mga taong nalulunod na dahil sa dami ng problema, 'wag kayong sumuko. Malapit ka na bang sumuko? Dahil ginagawa mo na ang lahat pero wala pa ring nangyayari? Ang mga plano mo ay hindi natutupad. Naguguluhan ka na sa 'yong sitwasyon. Naiisip mo na lang, hindi ka na makakaabante pa, hindi ka na magbabago. Ngayon ay sobra ka ng nagdurusa. Hindi mo na ba naiintindihan kung ano ang mga kaya mong gawin? Pero bakit naiintindihan mo ang iyong negatibong sitwasyon? 'Wag ka ng magpokus sa sitwasyon mong negatibo. Magpokus ka lang sa solusyon. Sa totoo lang, may magagawa ka pa. Hindi ka lang naniniwala sa sarili mo. Hindi naman masyadong malaki ang problema mo, nadadagdagan lang dahil sa kakaisip mo ng problema. Bakit ka pa magpokus d'on e hindi naman mawawala ang problema e. Palaging may problema, madadapa ka, masasaktan ka dahil iniwan ka ng mahal mo, mamatayan ka ng mga mahal sa buhay, ang dami pang problema na mangyayari na hindi natin mahuhulaan. Pero 'wag na tayong magpokus sa paparating na problema. Enjoyin lang natin ang ngayon. Lahat naman tayo ay makakaranas ng matinding problema. Ang iba'y nakakaranas na. Lahat tayo ay madudumihan ng sitwasyon. Pero kailangan natin 'yon para tayo'y matauhan, para tayo'y matuto, para tayo'y tumatag pa lalo.
TRANSCRIPT: https://bit.ly/3Mdfs7B
Show More
▶ Infraction - No Copyright Music
Cinematic Heroic Blockbuster by Infraction [Copyright Free Music] / Hot Ice
https://youtu.be/EPayKzvonls
--------------------------------------------------------------------------------------------
Hi everybody. This is JSBHeartening. Welcome to my place. I write and speak these speeches myself.
If you need some material or want to do some sort of business, feel free to contact me: crazemaniatv@gmail.com
--------------------------------------------------------------------------------------------
If you find my content interesting, leave a comment, a like and of course, PLEASE subscribe and don't forget











