Transform the way you minister: Serve Like Jesus!


Naranasan mo na ba ang pagmamahal ng Diyos sa iyung buhay? Naranasan mo na ba na ang Kanyang pagmamahal ay tumagos sa puso mo, nagumapaw ito sa Kanyang pagmamahal na nagbunga naman ng pagmamahal mo din sa iba at maglingkod sa kanila.

Narealized ko na sobrang blessed tayo na mga nakatanggap ng mabuting balita ng kaligtasan. Na sa pamamagitan nito ay nakatangap tayo ng paglilinis at pagpapatawad sa atin ng Diyos sa ating mga kasalanan sa pamamagitan ng pagbabayad ng Panginoong Hesus sa kaparusahan ng ating mga kasalanan. Dapat tayo ang paparusahan dahil tayo ang nagkasala pero dahil sa habag at pagamamahal sa atin ng Panginoong Hesus ay sya ang umako ng kaparusahan upang tayo ay maligtas.

Show More

At dahil sa natanggap nating pagibig ng Diyos ay nagkaron din tayo ng desire na magmahal at maglingkod sa iba.
Na-realize ko na ang pinakamataas na ekspresyon ng pagmamahal sa Diyos ay sa pamamagitan ng pagsunod at paglilingkod. Nakita natin ang halimbawa na ito sa Panginong Hesus na dahil sa Kanyang pagmamahal sa Ama at sa atin ay ibinigay Niya yung kanyang sarili upang maglingkod sa atin.

sabi sa Roma 5:8 Ang Salita ng Diyos

8 Ngunit ipinakita ng Diyos ang kaniyang pag-ibig sa atin na nang tayo ay makasalanan pa, si Cristo ay namatay para sa atin.

Narealized ko na ang pagmamahal ay nakikita sa paglilingkod sa kanyang minamahal. At ang pagmamahal na pinakita sa atin ng Diyos ay walang kondisyon. Hindi namimili kung nagpakatino na ba tayo sa buhay o hindi. Ang sabi dyan ay noong makasalanan pa tayo, noong hindi natin sya hinahanap sa buhay natin, sa case ko noong nagpapasasa ako sa kalayawan ng mundo ay namatay na Siya para bayaran ang kasalanan ko at kasalanan nating lahat. Kaibigan nakita na ng Panginoong Hesus ang lahat ng gagawin mong kasalanan 2000 years ago pero minahal ka pa din Niya sa paanong paraan? Namatay Siya para sa iyo.

Na-realize ko na ang pagmamahal ay higit pa sa pagsasabi ng iloveyou kung hindi ang pagmamahal ay pinapakita sa pamamagitan ng aksyon at Ang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press