Tsismosa
Ang magandang reputasyon ang pinakamahusay na panlaban sa tsismis. Kung maganda ang reputasyon mo, kahit itsismis ka pa, walang gaanong maniniwala. Mananaig pa rin kung ano ang totoo. Kapag pinagtsitsismisan ka ng mga tao, huwag kang gumanti sa pamamagitan ng pagtsitsismis din o pagsasalita ng masama tungkol sa kanila. Kapag ginawa mo 'yan, katulad ka na rin ng mga taong kinaiinisan mo.











