TUKSO I ANO ANG SIKRETO PAANO MAGTAGUMPAY LABAN SA PANUNUKSO NG DIABLO?
In The Midst Of Temptation
A Critical Time Of Making Decisions
In Your Life!
Show your SUPPORT to The Truth and God's Work in the last days.
"SHARE, COMMENT, LIKE & SUBSCRIBE!"
Show More
PAANO MAGTAGUMPAY SA PANUNUKSO NG DIABLO?
Ang dapat muna natin malaman ay, kung saan nga ba galing at nagmumula ang tukso?
Maaaring narinig na natin ang kasabihan na habang lumalapit ka daw sa Diyos ay lumalapit din naman daw sayo ang tukso at demonyo. Totoo nga ba ang ganitong kasabihan? (...maaari kayong mag comment sa ibaba kung naranasanan na ninyo ang ganitong pagkakataon sa inyong buhay, at ano ang paraan na inyong ginawa upang labanan ang tukso at iwasan ito?)
Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso ng masama, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:
Ayon sa bibliya; Ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi Niya tinutukso ang sinoman. Sa halip, tinutukso tayo ng diyablo na gumawa ng mali, sa pamamagitan ng ating makasalanang kalikasan bilang tao.
James 1:12
Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagkat kapag nakayanan na niya ang pagsubok ay tatanggap siya ng korona ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya!











