Tulungan mo ang iyong sarili
'Wag ka ng tumulong kung hindi naman nila tinutulungan ang kanilang sarili. Nagsasayang ka lang ng panahon sa pagsalba sa kanila. Alam ko na hindi madaling gawin na putulin mo ang pagtulong sa kanila. Lalo na kung kamag-anak mo sila at umaasa lang sila sa 'yo. We were taught helping people is the right thing to do. You need to unlearn this popular belief. May dalawa kang kamay, ang isa ay tumutulong sa iba at ang isa naman ay para sa pagtulong sa sarili mo. 'Wag mong ibuhos lahat lalo na sa mga taong hindi naman pinahalagahan ang tulong mo. If they don’t think your time is worth any value, then don’t give them time! If people don’t care about you, you shouldn’t help them. They don’t deserve your help. Only help people who deserve your help. Tandaan mo, ang unang tao na kailangan mong tulungan ay ang SARILI MO.











