Tunay Kang Matapat | Choir | Lyrics | SBBC


Siloam Bible Baptist Church

TUNAY KANG MATAPAT
Performed by SBBC Choir
Words by Thomas O. Chisholm
Translated by Max D. Atienze
Composer: Abbie Pinos
Arranger: Bethany Uhler

Show More

I.
Tunay Kang matapat, Oh Diyos nami’t Ama; ‘di nagbabago, ‘di nag-iiba;
Mahapon, matanghali, maumaga, sa buong panahon matapat Ka.

Chorus:
Tunay Kang matapat, tunay Kang matapat; araw-araw aking namamalas;
Ang Iyong kabutihan walang kupas; tunay Kang matapat sa paglingap

II.
Tag-araw, tag-ulan at ang tag-ani, araw, buwa’t, bituin sa gabi
(Tunay, tunay. Tunay Kang matapat, tunay, tunay Kang matapat)
Nag-aawitang langit sumasaksi sa katapatan Mong anong laki

Chorus:
Tunay Kang matapat, tunay Kang matapat; araw-araw aking namamalas;
Ang Iyong kabutihan walang kupas; tunay Kang matapat sa paglingap

III.
Kapatawaran at kapayapaan, mga pangako Mong umaakbay; Lakas ngayo’y pag-asang sumisilang; ang lahat ng ito’y Iyong bigay

Chorus:
Tunay Kang matapat, tunay Kang matapat; araw-araw aking namamalas;
Ang Iyong kabutihan walang kupas; tunay Kang matapat sa paglingap

Tunay Kang matapat
Tunay Kang matapat
-------------------------------------
#TunayKangMatapat #Choir #SBBC #Hymns #ChristianSong #Lyrics #Baptist

06.11.2023
_________________

📍We are praying for an expansion of God's ministry. You may took part in God's ministry by sharing your blessings. Everything will be dedicated to His ministry. Also, like, share, and subscribe
GCash Number: 09380491239 (Jesus Millena)

No copyright infringement is intended. Music Accompaniment used in this video credits to its rightful owner.
To God Be All The Glory!

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press