UMASANG MAGING TAYO | TAGALOG SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
UMASANG MAGING TAYO
BY: MERCY BLESS
Sino ba naman ang di umasa
Kung pinaramdam sayo na mahal ka
Sino ba naman ang di umasa
Kung simula nung umpisa
Ikaw lagi ang bukambibig niya
Show More
May mga taong dumadating talaga sa buhay natin
Na magbibigay ng motibo
At kapag nahulog ka ng lubusan
Saka ka naman niya iiwanan at sasaktan
Oo umaasa ako
Kasi naramdaman ko ang pag-ibig na parang totoo
Di ko naman pinilit ang mga bagay-bagay
Dahil ang tadhana sa atin ang kusang nagtagpo
Puso ko’y iyong pinasaya
Mundo ko’y naging maliwanag
Dahil sa taglay mong kasiyahan
At kabutihan
Hinayaan kong ang pusoy
Mahulog sayo ng dahan-dahan
Dahil aaminin ko, na
Umaasa akong balang araw maging tayo
Araw-araw lagi kang nakakausap
Masaya man o malungkot
Lagi kang nariyan
Para ako’y sabayan
Kaya ang buong akala ko
Ako’y totoong iniibig mo
At may patutunguhan ang lahat
Nang mga ala-alang sabay nating binubuo
Aaminin kong
Mahal narin kita
At hinihintay ko na lamang na marinig sayo
Ang mga katagang “ tayo na ba?”
Kasi di ako magdadalawang isip na sabihing
Oo, sapagkat buo na ang puso kong
Mahalin ka ng tapat ang totoo
Yung walang halong biro
Yung walang halong pagdadalawang isip
Yung wala ng halong laro
Dahil sigurado na , na mahal natin ang isa’t-isa
Kaya lang
Dumating tayo sa puntong
Di ko inaasahan
Na maging Malabo ang lahat
Na wala naman akong ginawa
Kundi ang mahalin ka ng lubos
Lahat ng mga pinapakita mo noon
Ay biglang nagbago
Na parang wala tayong pinagsamahan
Sa mga inaasta mo
Ang malalambing na salita
Ang napalitan ng masasakit na salita
Lahat ay sinisisi sa akin
Kahit na di ko naman ginawa
Napatanong nalang ako
Kung saan ba ako nagkamali
Dahil di naman ako nagbago
Simula nung ako’y nakilala mo
Pero unti-unit kong napagtanto
Kung kaya ka nagiging ganito
Dahil meron na palang bago
Na nagmamay-ari ng puso mo
Di ko aaakalaing
Masasaktan mo ako ng ganito
Dahil ang buong akala ko
Ay ako lang ang mahal mo
Ba’t pa umabot na umaasa ako
Ba’t pa umabot kung saan minahal na kita ng husto?











