Unang Bidyo
Paul Armesin
Welcome po sa bago kong YouTube Channel… Psalmo Music.
Hindi pa ako masyado sanay sa ganito kaya pagpasensyahan n’yo na po. Naisip ko lang, like any other skill, pwede ko itong matutunan ( vlogging / content creation / video editing, acting etc…) at habang lagi kong ginagawa ay unti-unti akong mag-iimprove. Balang araw masasanay din ako.
Bago ko nga naman ma-upload yung pang sampu kong video, syempre dapat may una. Bago ako magkaron ng mga viewers, syempre dapat may video na pwedeng i-view. Kaya eto napo, dahil naniniwala ako na sa pag-uumpisa ng simula ay pagtatapos ng wakas (may sense ba?). Hayaan nyong ibahagi ko ang mga awit na mula sa ‘king isipan, puso, bituka at gall bladder. :-D
Sumainyo ang pagpapala at pag-ibig ng Diyos.
Paul Armesin