UNSHAKEN! 5 Bagay na Babantayan para makaiwas sa magulong buhay!
Kung titignan mo ang nakaraang taon ay naging mas consistent ka ba ngayun sa iyung pagpapalago ng relasyon mo sa Diyos at pag sunod sa Kanya? Mas naging intimate ka ba sa Kanya kaysa last year? o six months ago? Mas naging epektibong patotoo ka ba sa iyung asawa, anak, magulang, kaibigan, katrabaho at sa ibang mga taong nakakahalubilo mo? Mas naging passionate ka ba ngayun na maging instrumento na gumawa ng alagad kaysa last year? Mas natututo ka na magrespond ng tama sa mahihirap at nakakagalit na sitwasyon? Maaaring nagagawa mo na ang pagbabahagi ng mabuting balita last year pero ikaw ba ay nagtutuloytuloy na gawin ito? Ikaw ba ay tuloytuloy na nagi-improve sa lahat ng area ng iyung buhay para ma-glorify mo ang Diyos? Narealized ko na ito na ang mgandang panahon para suriin natin ang ating sarili,
Kung meron man isang bagay na kailangan tayong matutunan na gawin upang maging isang tao na kinalulugdan ng Diyos, ay ito ang consistency. Naniniwala ako na ang isang malaking dahilan kung bakit hindi lumalago ang isang tao o hindi siya nagma-mature ay dahil wala siyang consistency sa kanyang paglakad sa direksyon ng Diyos.
Alam kong hindi ito madali dahil kahit si Pablo ay inamin nya na may mga bagay na gusto niyang gawin pero hindi nya nagagawa at yung bagay na ayaw nya gawin ay yun ang kanyang nagagawa. Naintindihan niya na mahirap maging consistent pero sabi Niya buti nalang nariyan ang Panginoong Hesus na tutulong sa atin sa pamamagitan ng Kanyang biyaya at kapangyarihan. Kaya tignan mo si Pablo na habang nakadepende sa kalakasang ibibigay ng Panginoong Hesus sa kanya ay ginagawa naman niya ang kanyang parte. Basahin natin sa
Show More
1 Mga Taga-Corinto 9:27 MBB05
“Subalit sinasanay ko at sinusupil ang aking katawan, upang sa gayo'y hindi ako maalis sa paligsahanpagkatapos kong mangaral sa iba.”
Grabe sabi ba ni Pablo ay Lord bahala ka na sa akin baguhin mo ako para isang araw paggising ko ay spiritually matured na ako? No hindi yun ang sinabi niya. Yes tutulungan siya











