Unshaken Week 4 - Paano Ako Magtitiwala at Magagalak Kapag Mahirap ang Buhay?
Kaya ba nating makaroon ng kagalakan sa gitna ng panahon ng matinding pagsubok o kahirapan?
Nagtapos si Habakkuk hindi sa pagrereklamo, kundi sa pagsamba. Hindi nagbago ang kanyang kalagayan—ang nagbago ay ang kanyang pananaw.
Show More
Hindi hinihintay ng pananampalataya na mawala ang sakit bago ito sumamba. Sumasamba ito kahit na mayroon pa ring sakit. Naglalakbay tayo mula sa takot patungo sa pananampalataya kapag NAAALALA natin ang ginawa ng Diyos, NANANALIG sa gagawin ng Diyos, at NAGAGALAK sa kung sino ang Diyos. Ang takot ay hindi magkakaroon ng huling salita, ngunit ang pananampalataya ang magkakaroon ng huling awit.











