Victory! 4 Na Hakbang ng Pagsuko sa Diyos Upang Magtagumpay


May mga bagay ka ba na kinakatakutan at hindi mo kayang isuko sa Diyos? At narealized mo na nakakapagod na tumakbo sa Diyos. Kaibigan huwag kang mag-alala, dahil hindi ka nag-iisa! Maraming tao ang nagaalangan na isuko ng buo ang kanyang buhay sa Diyos. Pero ganon pa man ay hindi magbabago ang nais ng Diyos na mag-surrender tayo sa Kanya araw-araw, sa bawat sandali!

Ang pagsuko ng kontrol sa Diyos ay hindi minsanang desisyon kung hindi ito ay araw-araw, at moment by moment na pagpapasya. Ang pagsuko sa Diyos ay isang lifestyle na pagdedesisyon mo sa bawat sandali ng iyung araw. Tulad ng iba pang disiplina sa buhay, kailangan nating matutong sumuko at ibigay sa Diyos ang lahat ng bagay. Now ang tanung Bakit ba kailangan nating matutunan ang pagsuko sa Diyos arawaraw? Kasi Ang diablo ay naghahanap araw-araw din ng pagkakataon para punuin ang ating isipan ng mga alalahanin, pag-aalinlangan, at takot. At kapag hindi tayo natutung sumuko at magtiwala sa Diyos ay matatalo tayo ng mga alalahanin natin sa buhay at mapipilitan tayong gumawa ng hindi kalooban ng Diyos na magpapahamak sa atin.
Nais ng demonyo na hindi magkaron ng puwang sa buhay natin ang Diyos. Ang bagay na kinakamuhian niya ay ang makita ka niyang victorious sa iyung relasyon sa Diyos, at makita ka niyang nagtagumpay na magawa mo ang purpose ng Diyos sa iyung buhay. Sa maikling salita ayaw niyang makita ka na binibless ng Diyos dahil sa iyung pagsunod sa Kanya.

Show More

Ang pagsuko ay isang battle term. Ito ay ginagamit sa digmaan. Kapag ang isang bansa ay sumuko sa kanyang kalaban ay parang sinasabi niya na suko na kami, ibibigay namin sa kamay nyo ang aming buhay, sandata, pamilya, ariarian, lupain at iba pa. Wala na kaming karapatan gawin nyo ang gusto nyong gawin sa amin. Suko na kami. Kung aalipinin nyo kami ay willing kaming gawin iyun suko na kami. Ganon ang pagsuko. Kaibigan sa kaharian ng Diyos ay baligtad dahil kung kailan ka susuko sa Kanya ay saka ka pa lang magkakaron ng totoong buhay.

Tignan mo ang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press