Wag Mong Ikumpara Ang Sarili Mo Sa Iba - Tagalog Motivational Video


Ritchie Egam

2,190 views

Hindi mahalaga kung ano ang sasabihin ng sinumang tao tungkol sa’yo, maliban lamang sa isang tao, at ang taong iyon ay IKAW. Hindi mahalaga kung anumang tinig ang naririnig mo tungkol sa’yo, maliban lamang sa isang tinig, at ang tinig na iyon, ay ang tinig sa KALOOBAN MO. Napakaraming opinion ang pwede nilang ibato sa’yo. May mga taong dinidiktahan ka kung ano ang dapat mong gawin sa buhay. May mga taong hihilahin ka pababa. Huwag mong pansinin kung anoman ang sinasabi nila’ dahil hindi yun ang mahalaga. Ang tanging bagay na mahalaga ay gawin mo ang iyong makakaya. Sa paggawa ng iyong makakaya sa bawat sitwasyon, makikita mo’ na hahantong ka sa iyong susunod na pinakamagandang sitwasyon. Gawin ang iyong makakaya hindi lamang sa isang araw kundi araw-araw. Hindi naman mababago ang buhay mo sa isang tulog lang. Minsan hindi natin napapansin na nagbabago na pala ang buhay natin. Pero balang araw mapapansin mo na’ ang pagbabago. Alamin mo to: hindi ka nakikipag kompetensya sa ibang tao. ‘Di bale nang mabagal’ basta’t may ginagawa ka para sa iyung sarili. Kung nakapagtapos ka sa edad na 30, nakapagtapos ka pa rin. Kung nag-aasawa ka sa edad na 40 nag-aasawa ka pa rin. Hindi tayo nakikipag-unahan. Kaya’t ‘wag mong ikompara ang buhay mo sa buhay ng iba. Hayaan mong gawin nila ang gusto nila’ at gawin mo rin ang gusto mong mangyari sa buhay mo. Kung sinasabihan ka nila na dapat gawin mo ‘to dahil matanda ka na, PABAYAAN MO SILA. BUHAY MO ITO. ‘Wag kang makinig sa kanila dahil alam mo na kung ano ang gusto mong gawin sa buhay. Hindi ka na bata. Alam mo na kung ano ang gusto mo, dahil kontrolado mo ang iyong sariling buhay. Bawat Kabiguan, Bawat dagok ng buhay, Bawat pagkabigo ay lilipas din. Ang bawat piraso nito ay bahagi ng suliranin na lilikha ng iyong pinakamagandang buhay. Kailangan mo ang lahat ng kabiguan upang mapahalagahan mo kahit ang maliit na tagumpay. Tulad ng ARAW, ito’y kailangan natin upang mabuhay pero kailangan din natin ang ULAN. Hindi pweding araw nalang

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press