WAGI TAYO (Spoken Word Poetry) 2021
Hope Batangas
Spoken Poetry originally composed by Hope Batangas for Karapat Dapat Anniversary of Hope Sto. Tomas Batangas.
“WAGI TAYO”
Show More
Tiningnan ko ang mundo
Puno ng takot
Punong pangamba
Kahapon, Ngayon, Bukas
Iniisip ko pa
Kung meron pa bang pag-asa pa
Mundo itoy puno ng pangmamanipula
Puno ng pagpapangap
Sa pusoy nasasaktan pala
Nguni isa ang totoo
Na may Diyos tayo
May hawak nitong mundo
Kahapon, Ngayon, Bukas
Hawak mo sa kamay mo.
Ikaw at Ako, Panginoon ko
Sa Bagong Yugto
Magkasama tayo
Wag matakot, wag mangamba
Sapagkat karapat-dapat ka
Panginoon ko, punong pag-asa
Lahat ng takot, pinaltan ng pag-asa
Minsan pay akoy umasa
Lahat ng bagay kumukupas
Lahat ng bagay lumilipas
Lahat ng bagay nagbabago
Minsan pay akoy umasa
Sa mundong walang pag-asa
Nagkakulay muli itong mundo
Mula nang matagpuan ang kabutihan mo
Di kumukupas
Di lumilipas
Di Nagbabago, Panginoon Ko
Ikaw at ako
Sa Bagong Yugto
Magkasama tayo
Ang puso koy wagi
Sayo panginoon
Hindi matatangi
Pag mula noon
Ako may masaktan
Hindi mo iniwan
Unos may dumaan
Sa puso mananahan
Salita mo, oh panginoon
pag mula noon
Hindi nagbabago
Hindi nabibigo
Hindi maitatanggi
Ito'y natatangi
Luha koy itatahan
Pag-ibig moy ipaglalaban
Tunay na Tahanan
Palagi mong binubuksan
Sa boung sanlibutan
Magiging kaliwanagan
Puso koy may kapayapaan
Sambahin ang iyong pangalan
Salita moy palalaganap
Pagkat pag-asa'y nahanap
Wagi tayo, Panginoon ko











