WAKAS | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

8,351 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
alam mo yung pakiramdam
na ginawa mo na ang lahat
pero di talaga
di talaga kayo para sa isat-isa

yung kahit na binigay mo na ang lahat
baliwala lang din lahat
kasi pereho kayong nahihirapan
pareho kayong nasasakal

Show More

at alam mo yun ?
yung di mo alam kung
kelan ba ang tamang panahon
para sabihin sa kanya na ito na ang dulo
na ikaw na yung unang susuko

sobrang hirap
yung lumlaban ka pa
pero ang totoo gusto mo ng tapusin ang lahat
yung nanatili ka nalang
pero di ka na masaya

ganito pala ang pakiramdam no
na ikaw yung unang susuko
di dahil sa ayaw mo na sa kanya
kundi dahil, kahit na anong ipilit mo
wala talaga

ano pa ba ang magandang dahilan ko
na manatili sayo
kung nahihirapan na ako ng husto

di ko alam kung paano ko sisimulan
na tapusin ang pareho nating sinimulan
di ko alam kung paano ko sasabihin
sayo na
ayoko na
pagod na ako
nauna na ako sa dulo

takot ako
na masaktan ka
pero paano naman ako
kung sa ating dalawa
ikaw nalang ang masaya
at ako itong nasasakal na

patawad kung ako yung unang susuko
di mo kasalanan
di lang talaga tayo para sa isat isa
wala kang kasalanan
nahihirapan lang talaga ako kapag kasama ka

nahihirapan akong ipilit na maging masaya
kasi ang totoo gusto ko ng kumawala
sa lahat ng ating mga pangako
sa lahat ng aking pagkabigo

ayo kong masaktan na nakakasama ka
kasi mas lalong naging mahirap sa akin
na nasisilayan kang lumalaban pa
kahit na akoy sususko na

ayo kong sisihin ang sarili ko
na dahil bumitaw ako
may taong masasaktan sa dulo

sana maintindihan mo
na di ako makasarili kaya ginawa ko to
kasi sa ngayon, mainahal ko lang din ang ako

siguro tama nga sila
na ang lahat ng bumibitaw ay may dahilan
yung tipong bibitaw ka kasi gusto mo ng lumaya
at gusto mo ng tapusin na
para di na tumugal pa ang lokohan

lokohang pagkukunwari
na ok lang kayo

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press