WAKE UP CALL! Ano ang Panganib at Paano tutugon sa Pagkalabit ng Diyos
May mga pagkakataon na hinahayaan ng Diyos ang kahirapan, problema, karamdaman at kabiguan upang makuha ang ating atensyon. Bagamat hindi lahat ng dahilan ng problema ay wake up call o paggising sa atin ng Diyos ay marapat pa din tayong huminto at pagisipin kung bakit natin pinagdadaanan ang isang sitwasyon.
Maaaring nawalan ka ng trabaho, o kaya nagkasakit ka, o nawalan ka ng mahal sa buhay, o yung anak mo ay napasama sa maling barkada, o humaharap ka ngayun sa pinansyal na problema, naapektuhan ka din ng pandemya at marami pang ibang challenges.
Show More
Alam mo ba na Kahit si David na lingkod ng Diyos ay hinayaan ng Diyos na makaranas ng kahirapan upang makuha Niya ang atensyon nito.
Sabi ni David sa Diyos sa Mga Awit 119:67 MBBTAG12
“Ang sariling dati-rati'y namumuhay nang baluktot, nang ako ay parusahan, salita mo ang sinunod;”
Narealized ko na hahayaan ng Diyos na dumaan tayo sa masasakit na sitwasyon para gisingin tayo sa ating totoong kailangan sa buhay.
Maaaring naliligaw na tayo at nauubos ang ating panahon at lakas sa paghabol sa mga bagay na hindi naman pala natin kailangan.
Halimbawa hindi natin totoong pangangailangan ang social status. Maraming tao ang nagaakalang ito ang kailanga nila sa buhay. Mas marami ka ng mamahaling bagay, mas maraming pera, mas maraming ariarian ay mas angat ka sa iba. Kaya mas masaya ka at nasasatisfy ang need mo. O kaya naman maaaring ang hinahabol mo sa buhay ay recognition ng tao, na maging popular ka at hangaan kasi dito mo nakikita ang iyung self worth gaya ng pagkilala sayo sa sports, politics, beauty contest, at iba pa.
o kaya naman nauubos ang iyung panahon at lakas sa entertainment na magbibigay sayo ng pleasure. Feeling mo kasi ito ang totoong pangangailangan mo sa buhay. Kaibigan minsan ay tatapikan ka talaga ng Diyos para malaman mo na Siya ang totoong kailangan mo at hindi itong mga binanggit ko.
Hindi ka tatapikin ng Diyos para pahirapan ka o gantihan ka kung hindi para maituwid ka. Alam Niya ang masamang











