Wala Kang Katulad | Faithmusic Manila (Cover)


MCPMI Music

2,204 views

"Sa sinumang diyos wala kang kawangis,
sa iyong gawai'y walang makaparis.

Ang lahat ng bansa na iyong nilalang,
lalapit sa iyo't magbibigay galang;
sila'y magpupuri sa iyong pangalan.

Show More

Pagkat ikaw lamang ang Diyos na dakila
na anumang gawin ay kahanga-hanga!

Ang kalooban mo'y ituro sa akin,
at tapat ang puso ko na ito'y susundin;
turuang maglingkod nang buong taimtim.

O Panginoong Diyos, buong puso'y laan, pupurihin kita magpakailanman
at ihahayag ko, iyong kadakilaan.

O pagkadakila! Pag-ibig mong wagas, dahil sa pag-ibig, ako'y iniligtas;
di hinayaang masadlak sa daigdig ng mga patay.

Mayroong mga taong ayaw kang kilanlin,
taong mararahas, na ang adhikain
ay labanan ako't ang buhay ay kitlin.

Ngunit ikaw, Panginoon, tunay na mabait,
wagas ang pag-ibig, di madaling magalit,
lubhang mahabagi't banayad magalit.

Pansinin mo ako, iyong kahabagan,
iligtas mo ako't bigyang kalakasan,
pagkat ako'y lingkod mo rin tulad ng aking nanay.

Pagtulong sa aki'y iyong patunayan;
upang mapahiya ang aking kaaway,
kung makita nilang mayroong katibayan na ako'y inaliw mo at tinulungan!"

- Mga Awit 86:8-17

Stay Connected:
Facebook | https://www.facebook.com/mcpmiyouth
Facebook | https://www.facebook.com/maranatha.main

Music in this video: Wala Kang Katulad by Faithmusic Manila
Covered: Wala Kang Katulad (Faithmusic Manila)

Which song should we do a cover on? Tell us in the comments down below!
God bless you! Shalom!

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press