WALA NG IBA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

493 views

WALA NG IBA
BY:MERCY BLESS

wala ng iba
sapagkat nariyan kana
ikaw na naging dahilan
kung bakit ang puso’y kay saya

Show More

na tila wala ng lugar
ang lungkot
sa kadahilanang
galak ang iyong dala
kapag kasama ka
kapag natatanaw ka

di ko nga mawari
kung paano mo nagawang
pasayahin ang pusong
noon ay puno ng takot na magmahal

dahil sa mg kahapong
walang patungo
at laking pasasalamat ko
sapagkat ako’y hinatid
ng tadhana sayo

sayo na handa akong mahalin ng buo
na walang halong pag-aalinlangan
walang halong biro
dahil lahat ay totoo
at naramdaman ko to sayo

di ko aakalaing
may taong sasagip sa pusong
napagod ng magmahal
napagod ng masaktan
at napagod ng maghintay
sa tamang tao na inilaan

lahat ng iyon
ay iyong tinuldukan
at tinakpan
ng pag-ibig
na kailan man ay sayo lang natagpuan

ikaw lang
ang nagparamdam sa akin niyan
yung mahalin ako ng buo
kahit na di pako buo
yung handa kang sumugal
sa taong katulad ko
at handa kang tanggapin
sa kung sino ako

di ko hiningi
na makatagpo ng isang katulad mo
tila nga ang tadhana na ang nagbigay sa akin
sa kung ano ang meron ako ngayon

at iyon ay ikaw

ikaw na natatanging tao
na handang gawin lahat
maging masaya lang ako
at handa akong ipaglaban
sa buong mundo

tunay nga ang pag-ibig
ay darating sa tamang panahon

yung di mo na hahanapin
yung di mo na pipilitin
dahil kusa na itong ibibigay sayo
kusa na ang panahon
ang maghahatid sayo

na kahit na ano man kasalimuot
ang iyong kahapon
ay ipapadama parin sayo
na nararapat kang
mahalin, tanggapin
at pahalagahan

yung di ipaparamdam sayo
na ikaw ay kulang
bagama’t tutulungan ka nitong
buohin ang lahat ng puwang

kaya ngayon
di ako matatakot na
ipagsigawan na wala ng iba
sapagkat ikaw lang ay sapat na

wala ng iba
dahil dumating na
ang taong
panghbambuhay kong makakasama

at iyon ay ikaw

ikaw na mahal ako
at mahal ko

ikaw na dahilan kung bakit nasulat ko ang mga liham nato

pangako
ikaw lang at wala ng iba
mahal ko

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press