WALA NG IKAW AT AKO SA SALITANG TAYO | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

8,341 views

Hi guys... Thank you for visiting my YOUTUBE.
You are all God's Blessing to me.. I LOVE YOU AND GOD BLESS ALWAYS muaahh :)
-------------------------------------------------------------------------
WALA NG IKAW AT AKO SA SALITANG TAYO
By: Roseller Auguis Batal
VOICE & EDIT : MERCY BLESS

saksi ang buwan sa binitawan nating pangako,
kung paano nagsimula ang "tayo",
kung paano ako nahulog sayo,
at kung paano ka unti-unting lumayo.

Show More

saan ba ako magsisimula?
sa una, sa gitna, o sa dulo?
sa una— kung saan tayo'y masaya pa.
sa gitna— yung panahong okay pa tayong dal'wa,
sa dulo— kung saan bigla kang sumuko at nawala.

mapagbiro nga ang tadhana,
mas lalo akong naligaw sa bitag nya,
pero sa pagkaligaw ko nahanap kita,
sabay tayong naligaw sa tamis ng tadhana.

pero kung gaano katamis ang pagmamahal mo,
ganun din kasaklap ang katotohanang 'di pwedeng maging tayo.
di pwedeng maging tayo dahil may nakatali na sa'yo.
pero kinain ko ang lahat ng pait na 'to,
at oo kasalanan ko.
ang dating maliit na biro ng tadhana ay naging libingan ko.
pero ayaw kong bumangon mula rito,
pinilit ko, pinilit mo at naging tayo.

pero paano kong sa istoryang ito,
ako ang pangalawa,
ako ang kirido,
ako ang maninira ng pamilya,
at siya— siya ang una at ang pinakasalan mo sa harap ng dambana.
ano ang laban ko?

gusto ko na sana tapusin 'to,
pero paano kung mahal kita?
minahal kita ng todo,
ngayon gusto mo palain ako.
pero paano kung sa bawat paalam mo,
sinasambit mong mahal mo ako,
"mahal mo nga ba talaga ako,
o mahal mo lang ako kasi binubuo ko ang kulang niya sayo?"

kailan magiging tugma ang mga salitang ikaw at ako.
kung mahirap palang pilitin na bumuo ng puso na minsan nang nabuo bago paman naging sa'yo.
dahil kunware nalang na wala ng ako at ikaw sa salitang tayo.
para saan pa ba lahat ng ‘to?
kung sa bawat ako at ikaw na binubura ng isipan mo,
ako naman ‘tong ako! na wala ng ikaw sa mundo ko.

Facebook Page
https://www.facebook.com/MERCY-BLESS-102417664695351

Tiktok
tiktok.com/@mercy.bless

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press