Walang Hanggang Biyaya ng Diyos Part 1


Merong conference noon ang mga religious leaders sa buong mundo. Sa kalagitnaan ng kanilang conference ay may nagtanung kung ano daw ang kaibahan ng Christianity sa ibang religion.

Yung iba sabi nila na ang Diyos ay nagkatawang tao kaya yun ang kaibhan. Kaya lang marami sa kanila ay nagsabi din na sila man daw yung “diyos” nila ay nagkatawang tao din. Then yung iba sabi pagmamahal at sakripisyo or resurrection daw ang kaibahan ng Christianity. Kaya lang ay marami din ang nagpasubali ng mga ito. Hanggang sa isa sa mga leader si C.S. Lewis na kadadating lang at nalaman niya kung ano ang pinagtatalunan. Alam mo sabi niya madali lang yang sagutin ang kaibahan ng Christianity sa ibang religion ay grace o biyaya.

Show More

Kaibigan ito ang katotohanan na ang naghihiwalay sa Kristyanismo sa ibang relihiyon ay grace o biyaya. Pero ano nga ba ang ibig sabihin ng grace? Ang grace ay “unmerited, unearned, undeserved, favor of God.”

Ang ibig sabihin ang biyaya ng Diyos na binibigay Niya sa atin ay libre, hindi pinagtatrabahuhan, at hindi nakabase sa performance natin.

Kung buhay ka ngayun, gumaling sa isang karamdamn, nagkaron ng lakas na makapanood ng mensahe na ito, o nakaiwas ka sa isang gulo o aksidente kaibigan ang dahilan nito ay dahil gracious ang Diyos sa iyo. Ang dahilan kung bakit mo nasasabi ngayun na ligtas ka at may relasyon ka na sa Diyos ay dahil din yun sa grace ng Diyos.

Natealized ko na wala tayong maaaccomplish sa isang araw kung hindi lang yun dahil sa grace ng Diyos. Kaibigan kung bago ka palang sa channel na ito ay marahil hindi mo pa maintindihan yung pinaguusapan natin na grace pero ito yung topic natin ngayun. At Importante na malaman mo kung ano ba ang ibig sabihin ng grace o biyaya bakit? Dahil dito nakasalalay ang iyung kaligtasan at dito din nakasalalay kung ano ang magiging buhay mo dito sa lupa.

Support this ministry: https://wotgonline.com/donate/
Ready to Answer: https://bit.ly/readytoansweryt
Message Scipt:

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press
Walang Hanggang Biyaya ng Diyos Part 1 | Crossmap Videos Philippines