Walang Ibang Hinahangad - ("Hesus Dakilang Hari" Album)
JAR Tunes
11,265 views
For educational purposes only.
Lyrics:
Show More
Pinili Mo ako at tinawag
Upang salita Mo'y maipalaganap
Ngunit dahil sa aking kahinaan
Hindi ko ito maunawaan
Alam kong sa sarili ko'y di kayang gawin
Ang mga bagay na nais Mo para sa akin
Ngunit Ika'y nandiyan upang ako'y tulungan
At nang ang nais Mo sa buhay ko'y matupad
Sapagkat walang ibang hinahangad kundi Ikaw
Ang puso ko'y walang ibang isinisigaw
Kundi ang pangalan Mo, O Hesus
Ang Ika'y pagsilbihan, mahalin at paglingkuran
At sa piling Mo'y laging manahan
Tunay na ito ay aking tungkulin
Na inilaan Mo para sa akin
Panginoon ako'y Iyong palakasin
Upang magawa ko ang kalooban Mo sa akin











