WHAT IF PWEDE PA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS


MERCY BLESS

464 views

What if Pwede Pa
By: MERCY BLESS

what if pwede pa natin
ibalik yung dating meron tayo

Show More

what if pwede mo pa akong
mahalin katulad nung dati

katulad nung panahong
hindi pa ako handa
at handa ka na para mahalin ako

yung lagi kang nandyan
pero iba pa ang nagmamay-ari sa puso ko

alam kong nasaktan kita
alam kong ako ang naging dahilan
ng pagpatak ng iyong mga luha

pero pasensya na nung mga panahong iyon
dahil hinahanap ko rin ang sarili ko
at dahil dun di ko namalayang
nariyan ka pala

nariyan ka palang minamahal ako
nariyan ka palang tinitiis ako

kung maibabalik ko lang sana
ang panahon
pero paano ba
dahil andito na tayo
sa kinaroroonan natin ngayon

ikaw ay may mahal ng iba
at akong umaasang baka pwede pa

na baka pwede pang
bawiin lahat ng iyong sinabi
at sambitin ang nais kong marinig sa iyong mga labi

at iyon ay ang isa pang mahal kita

maari ko bang ulit marinig sayo iyon?
maari ko pa bang maramdaman ulit ang yakap mong napakahigpit
ng sa di ko maramdamang ako’y nag-iisa

what if panaginip lang pala ang lahat ng ito
what if mahal mo pa pala ako kahit meron ng siya

pasensya kana
dahil parang naging makasarili ako

di ko kasi batid na aabot ako sa puntong ito
yung ako ang nanglilimos sa pag-ibig
na noo’y aking binaliwala
at nagmamakaawa
sa isang bagay na kelan man
ay di na muling mapapasaakin

di ko na alam
kung paano ko ulit sisimulan
ang jwentong ako rin ang tumapos

ikaw ay nasa piling na ng iba
samantalang ang puso ko’y nakabalot sa mga
katanungang baka pwede pa

paano ko sasabihin sa puso ko
na di na pwede
kung ayaw niyang makinig dahil
hanggang ngayon umaasa parin siya

paano ko sasabihin sa puso ko
na may mahal ka ng iba
kung nagpupumulit parin itong
mahalin ka

mas mahirap palang kalimutan ang taong
minahal ka sa panahong
di ka pa handa
dahil di ka pa buo

Music Produce by:
https://www.youtube.com/watch?v=WNWsHUgXh_A

[ 221,936 subs ]

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press