WHAT IF TAYO PALA | SPOKEN WORD POETRY | MERCY BLESS
MERCY BLESS
WHAT IF TAYO PALA
BY: MERCY BLESS
https://youtu.be/6ewnTSNHYbk
what if tayo pala
ang para sa isa’t -isa
pero takot lang tayong
aminin kung ano ang nasa
puso natin
Show More
takot tayo kasi
ayaw nating masira
kung ano man ang meron sa atin
bilang magkaibigan
maari ko pa bang higitan?
pero pano ko naman malalaman
dahil tila ako’y iyong iniiwasan
sa tuwing pag-ibig na ang pinag-uusapan
meron bang mali sa akin
meron na bang nagmamay-ari sa puso mo?
kaya sa tuwing lumalapit ako sayo
ay tila umiiwas ka papalayo?
di na ba pwede?
di ba pwede na hayaan mo
akong mahalin ka ng lubusan
at hayaan din ang puso mong
matutunang mahalin ako
dahil baka natatakot kalang
kasi di ka sigurado
kung totoo ba tong pinapakita ko sayo
o isa lamang itong biro
oo na
di ko sayo masabi ng daretsahan
at lahat ay dinadaan ko sa biruan
dahil kahit ako rin ay nag-aalinlangan
kung pareho ba talaga tayo ng nararamdaman
ito nga ang mahirap sa sitwasyoin natin
yung pareho tayong naghihintay
ng tamang pagkakataon na sabihin
ang tunay nating nararamdaman
at sa kasalukuyan
ay pareho din tayong natatakot
na mawalan at masaktan
kaya siguro pinili nalang natin na
itago at makontento na lamang
sa kung ano ang meron tayo
sa kung hanggang saan lang tayo
at iyon ay ang pagiging
magkaibigan
dumating na nga ang puntogng kinakatakutan ko
at yun ay ang paglayo mo
natatakot ako noon
dahil di ko parin magawang aminin ng daretsahan
na mahal kita
na di ko kayang mawala ka
na kahit na sabik na sabik ang puso
kong umamin ay hinayaan ko na lamang
na mawala ka sa pananaw ko
at ngayon ay dumating kana
pero tila di na katulad nung dati
wala na yung dating ikaw
wala na yung dating tayo
tama ba ang hinala ko?
sana hindi to totoo
at iyon na nga
sinabi mo ng harapharapan
na meron ng kayo
at bukas ay aalis kana
dahil naghihintay siya sayo
at doon
doon ako nadurog ng husto
dahil ang mga katanungan
na nais kong malaman ang kasagutan
ay meron ng hangganan
gusto kitang ipagdamot
pero kaibigan mo lang ako
gusto kitang pigilan











