WHAT IS OUR MISSION?: DEDICATION IN MISSION


LIVE|CFCI Center|May 13,2023
PREACHER: Bro. Nestor Volfango
Ipinagdiriwang natin ngayong Linggo ang Dakilang Kapistahan ng Pag-akyat sa Langit ng Panginoon. Ito ay ginigunita 40 araw makaraan ang pagkabuhay ng ating Panginoong Hesukristo. Sa ebanghelyo ni San Mateo ay tinatalakay ang pagtatapos ng misyon ni Hesukristo dito sa lupa bilang taong totoo at Panginoong tunay. Malinaw na binabangit ni Kristo ang pagtatapos ng kanyang misyon dito sa lupa at ang sisimula ng panibagong mas malaking misyon na pangungunahan ng kanyang mga apostol upang ipalaganap ang mabuting balita sa lahat ng bansa at binyagan at gawing alagad ang lahat ng tao sa pangalan ng Ama, Anak at ng Espiritu Santo.

Kung susumahin ay hindi naman natapos ang misyon ng ating Panginoong Hesukristo na kanyang sinimulan at itinatag noong siya ay nabubuhay pa, bagkus sa kanyang pag akyat sa langit ay binuksan ang mas malawak at mas malaking misyon na kanya namang iniatang sa kanyang mga alagad. Sa simula ay mahirap para sa mga apostol ang misyon na ibinigay sa kanila ng ating Panginoon ngunit ito ay napangatawanan nila ng madali nang ipinadala ng Diyos sa kanila ang Espiritu Santo na tinatawag ding Kapistahan ng Pentekostes na ipagdiriwang naman natin sa susunod na linggo.

Show More

Ngayong Kapistahan ng Pag-akyat ay tinatawag ding Pandaigdigang Araw ng mga Komunikasyon. Ating ipanalangin sa Ama na nawa ay mapaglabanan ng lahat ng sektor ng komunikasyon at media ang Fake News at mas mapalaganap nila ang mga bagay na may kinalaman sa kabutihan, salita ng Diyos at mga bagay ukol sa kaligtasan ng kaluluwa.

Kaya nga ngayong Ikatlong Sabado ng buwan ng Mayo, para isabuhay ang isang talata sa bibliya, ating pakinggan si Bro. Nestor Volfango.

Ating ayain ang ating mga ka-pamilya, kaibigan, at mga katrabaho!

Sabay sabay po tayong magpuri at sumamba sa Diyos Ama.

You are More Than Enough Philippines
Please Subscribe to our YouTube Channel and hit the bell button for more updates!
https://www.youtube.com/channel/UCZZx...

Related videos

Group of Brands

The Christian PostChristian TodayBible PortalBreatheCastGoodNewsLineEdifiVide Press